Yak! Kababae mong tao, at may boypren kang matino.. ang clingy cllingy mo. Hahahaha! Tigilan mo na nga siya. Siya na nga ang may ayaw sayo e. Pinapahiya mo lang sarili mo.
Go back to your real self bitch!
-me to myself
Friday, February 24, 2012
Thursday, February 23, 2012
Nagpapasalamat na lang ako talaga, na kahit na ang sama sama kong nilalang, ang blessed ko padin :)
Grabe naman... Kapag ako talaga minsan humiling at nagdasal, madalas nagkakatotoo, at most of the time kung ibigay sa akin yung kagustuhan ko sobrang biglaan.
Katulad na lang nung training ko...
Sobrang nagkakanda-kumahog na ako para sa pagaayos ng mga papers ko netong nakaraang araw para makapagpasa sa kung saan saang hospitals, tapos kung ano ano pang ginagawa kong plano na by May e dapat makapagtraining na ako... na dapat makapagpaalam ako eksakto bago matapos etong Feb.. SINONG MAGAAKALA NA IBIBIGAY SA AKIN ITO NG GANITO KAAGA!!!
Sa March 1 na ako maguumpisa :(
Oo.. nalulungkot ako na kinakabahan, na masaya, na naeeksayt, na natatae.. hindi ko naman kasi inexpect na ganito kabilis ang mga pangyayari. Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa mga boss ko na hindi na ako pipirma ng panibagong kontrata. Ang hirap pa man ding maghanap ng kapalit ko. Kinakabahan talaga ako.. bukas na bukas ako magpapaalam. Hindi ko alam kung paano, pero kelangan.
Hinding hindi ko na idedecline yung trainig offer. Posa! Pinagdasal ko ito, ngayon na ibinibigay na sa akin, tatanggihan ko pa ba?
And now.. kelangan ko nang magisip ng lines na sasabihin ko bukas sa boss ko :(
Wednesday, February 22, 2012
Lumayas ka na sa utak ko. Utang na loob
Sino ka ba? Hindi ka naman gwapo, matangkad at mayaman ka lang.. duuhhh.. isa ka lang namang random guy na ginawa kong pampalipas oras, yung tipong dahil wala akong magawa tsaka lang kita kinakausap. Anong ginawa mo sa akin?
Hindi ko maitatanggi, na kapag kasama kita.. hindi ako nabobore, sakto lang... Oo aamin ako, madaming beses mo akong pinakilig, nacarried away ako ng dalawang beses sa kasweetan mo, pero hindi ibig sabihin non e mahal na kita. Sa totoo lang mas narealize kong mahal ko nga talaga si Boss dahil sayo. Oo nga masaya ako sa company mo, pero siya padin talaga ang nasa puso ko.
Pero anong ginawa mo? Anong meron sayo, at bakit hindi ka maalis sa utak ko?
O siguro nasanay lang ako sa kakulitan mo, at ngayon e hinahanap hanap ko.
Kung totoo nga ang pakiramdam ko na 'to.. pwes. Mawawala din 'to. Mga ilang araw pa.. mawawala ka din sa isipan ko.

Tuesday, February 21, 2012
Talentado
Aside nga pala sa pagkanta tsaka pagsayaw. Talent ko din ang magtaboy ng taong nagmamahal sa akin. Tapos gagawa ako ng paraan para mapabalik sila, then there goes the cycle.. push-pull-push-pull.. hanggang magsawa sila. Goodluck sa mga nakakatiis sa akin.
May bumigay nanaman kasing isa.
May bumigay nanaman kasing isa.
Sunday, February 19, 2012
Magpokpok na lang kaya ako? Noh?
Sige nga! Saan ka makakakita ng trabaho na hindi nagsasabing nangangailangn sila ng empleyado na may pleasing personality? Kung lahat ng kumpanya e pleasing personality lang ang requirement nila para tanggapin ang isang empleyado fosho madali akong makakahanap ng work neto. Ganun ako kaganda.
Wag kang epal. Sabihin mong hindi yun totoo. Lagot ka sa akin.
Nagsimula na akong magayos ng mga papers ko para makapaghanap ng mapagte-trainingan kong hospital. Matatapos na kontrata ko sa work ko by March, tapos halos lahat ng mga pinaplano kong mga trainings e magsisimula ng May. So bale may isang buwan akong bum kung magkataon.
AYOKONG MAGING BUM! :(
Isang linggo nga lang akong mananatili sa bahay, maloloka na ako e. Paano pa kaya ang isang buwan! :(
Kelangan ko nang gamitin ang pleasing personality ko pati mga kuneksyon ko.
Hello friends! Can I use you? :)
That fucking moment when you felt that everyone is against you.
Kaya pala pakiramdam ko one man team na lang ang nangyayari.. kasi I'm not part of the team na pala. Tae.
Yung pakiramdam na pinagkakaisahan ako! Potangena! Sila pa ang nagsasabi na pinakikisamahan na lang nila ako, kasi no choice sila. Pwes, I also don't have a choice.. pag ako umalis para sa lecheng training na yan na pinepressure ko sa sarili ko na by May e dapat mastart ko na. Bahala silang maghanap ng paraan para makapagleave sila sa trabaho.
Mga panira sa diskarte.
On the brighter note: Mas naging pursigido pa ako para mapursue yung training ko sa pagnunurse.
Hindi na maganda yung environment ko dun. I have to leave... as soon as possible.
Saturday, February 18, 2012
UNFAIR PRE! UNFAIR! :(
Alam mo? Hindi kita maintindihan. Sinarado mo pinto mo para maging kaibigan sana ako, pero anjan ka ngayon sa bintana, nakadungaw at tinitignan tignan ako. Samantalang ako hindi kita makamusta dahil nahihiya na ako ngayon sayo. Every attempt ko na lang kasi na makipagusap sayo para man lang maging kumportable padin ang lahat. Napapahiya lang ako.
Sayang tuloy yung UP fair. Ininvite akoooo! Haha! Natuwa ako at kinilig kasi ininvite ako ng isa sa mga sikat. :) I'm such a fan gurl.. hihi! Kaso paano ako magiging kumportable around them, kung kasama ka naman.
Hindi ko alam kung paanong aarteng civil tayo. Oo marunong akong kumanta tsaka sumayaw. Pero umarte?? Hah! Ni hindi ko nga kayang mameke ng luha, kelangan humikab muna ako bago ako magteary-eyed. E ang umarte pa kayang ok ako na kasama ka. So stiff pre! Baka hindi pa ako magsalita buong araw.
Potek! Ang daya! Ba't parang ikaw naka-move on na.. ako hindi pa. MADAYA! :(

Friday, February 17, 2012
Thursday, February 16, 2012
Career
Nurse na yung mga kaibigan ko. Samantalang ako, puro bakal padin kaharap ko. Naiinggit ako sa kanila kahit pa na sabihing mas malaki sinusweldo ko. Ayoko na dito. May kupal na, may mapapel pa.
Kaso wala akong karapatang magreklamo. Swerte nga ako kung tutuusin diba?
Kelangan ko nang gumawa ng move.
Kelangan ko ng himala.
Kaso wala akong karapatang magreklamo. Swerte nga ako kung tutuusin diba?
Kelangan ko nang gumawa ng move.
Kelangan ko ng himala.
Wednesday, February 15, 2012
I'm not pushing, I was just making a wall. All I want is for him to stay behind that boundary.
a.k.a. The Friend zone.
Nakatulong nga siguro yung pagunfollow ni Mr. Swave sa akin sa tiwtter tsaka pagunfriend sa facebook. Paminsan minsan, sinisilip ko siya sa twitter, gusto ko siyang kamustahin, mukhang hindi siya ok.
Anong nangyari?
Nagsisisi ako... nanghihinayang actually. Isa siyang tao na ang sarap kausap, sarap pagkwentuhan ng kung ano ano. Kaso ayaw niya akong maging kaibigan :( Ako hanggang dun lang ang kaya ko. Pinilit ko pa ngang subukan na pagbigyan sarili ko na gumawa ng kamalian sa pagaakalang baka naman magwork ang ganong set-up, kaso hindi nangyari.
Hindi kaya ng kunsensya ko na para akong nagpapaasa ng tao. Alam naman na niya yun, nasabi ko na ng ilang beses. Oo nga wala naman siyang dinedemand na kahit ano mula sa akin. Pero patas akong tao, I do unto others what they do unto me. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin.
Kung maibabalik ko lang ang mga naganap, bago ako magsambit sa kanya ng "walang sisihan" baka hindi ganito kasakit para sa aming dalawa ang mga nangyayari ngayon. Masaya siguro akong nakakasama ang mga taong dati ko pa hinahangaan sa pagsusulat, nakakainuman tsaka nakakakwentuhan. Pero mukhang malabo na mangyari yun.
Nalulungkot ako..
Hindi ko naman maipipilit na maging magkaibigan na lang kami, dahil nanggaling na daw siya sa ganong sitwasyon. Ayoko din namang ipilit ang kagustuhan niya na maging other man siya, dahil minsan na din akong naging kabit. Alam kong sobrang sakit ng ganon. Ayokong iparanas yun sa iba.. sa sobrang sakit, naging iba akong tao. Pasalamat na lang at naisalba pa ni Boss yung natitira kong tiwala sa sarili na kaya kong magmahal at mahalin ng iba. Hopeless ako noon, akala ko hinding hindi na ako iibig pang muli. Akala ko lahat na ng lalake, kayang kaya nilang manloko. Dalawang taon akong ganon. Buti nahanap ako ni Boss.. nalate lang si Mr. Swave ng isang taon.
Ganito na lang siguro ang makakabuti para amin. Gustong gusto ko talaga silang maging kaibigan.. pero mukhang malabo na yun mangyari... Balik na lang ako sa dati na nagmamasid masid na lang.
Palabra de honor
Kapag dumating yung oras na magkandaleche-leche ang lahat. Hinding hindi na ako magboblog ulit.
Kahit kelan naman hindi ko hinangad na mapagusapan. Ayoko talaga ng napapansin, never ko ngang pinagsabi na may ganito akony espasyo sa internet. Gusto ko lang naman e ma-express sarili ko. Ngayon kung ipagkakait sa akin yun. Fine. Sige, kayo na magaling.
Pero pwede ba? Ibalato niyo na sa akin 'to

Tuesday, February 14, 2012
Nagdrama ako sa kanya...
Mahal, wala lang.. feel ng mga tao dito ang Valentines, naiinggit ako. I miss you :(
Wala naman talaga akong inaasahang magbigay ng kahit ano sa akin ngayong Valentines. Oo pati si Mr. Swave, nasa isip ko man siya kasi nagaalala ako sa kanya kahit papaano. Alam kong sa sarili ko, hinding hindi yun magbibigay ng kahit ano. Asa pa!!!
Kaya etong si Boss drinamahan ko ng ganyan sa text. Gusto ko lang iparamdam sa kanya kung gaano ako nangungulila sa kanya.
Nakalimutan ko nga palang may sweetness din sa katawan 'tong boss ko :)
Inaalala ko kung paano ko nga ba nilampasan ang Feb. 14 ko noon, basta ang pagkakaalam ko, busy ako sa pagaaral.
Akala ko naman kung anong sobrang importanteng bagay ang kelangan niyang ipaabot sa kababata niya. Naiinis nga ako sa kanya kasi nung tinext ko siya ng pagdadrama ko, ni hindi man lang niya ako sinagot ng i miss you too, or kinomport man lang sana ako at sabihin niya na mahal niya ako kahit wala siya sa tabi ko. Inutusan pa ako ng mokong na makipagkita sa kababata niya dahil sa may pinadala daw siyang pera chorva chorva at marami pang kwentong eklat.
Natuwa na lang ako nung pagkatanggap ko ng mga rosas :) Hindi niya kasi ako pinabayaang mag-ampalaya ngayong Balentayms <3
Monday, February 13, 2012
When life gives you Lemons.
Naghihiwa ako ng lemon para sa tequila, alam ko nang masusugatan ako pero pinilit ko padin gawin. Ayan... nagkasugat nga tuloy ako. Diba ang tanga lang? Naisip ko na ngang masusugatan ako, pinilit ko padin.
Katulad na lang yung pagpilit ko sa gusto ko, kahit na naisip ko nang mali ginagawa ko. Dahil dun nasugatan tuloy puso ko (nyak! ang drama lang) pero totoo 'to. Nasaktan ako kahit papaano.
At katulad din nang nangyari sa pagpilit ko na paghiwa ng lemon na nasayang lang kasi hindi naman ininom yung tequila (dahil hindi daw masarap ayon sa mga tequila drinker na kasama ko) Nasaktan lang ako... yun lang. Nasayang lang din ang mga effort ko para pasayahin ang sarili ko. Biruin mo? Isang buong buwan. Kung saan saan ako lupalop nakarating??? AKALAIN MO YUN?! Bigla akong naging gala at kaladkarin dahil sa pagpilit ng gusto ko??
Pero hindi naman talaga masaya palagi kapag pinipilit mong gawin ang gusto mo e.
Tigas talaga ng ulo ko! 3x
Hala uy! Hindi na ako eto. Ibang tao na ako :(
Palagi ko na lang ba pagbibigyan sarili ko? Pota. Asan na yung pagkontrol ko sa sarili ko. Simula nang makapagtapos ako, at nang nakaranas ako ng laya, hala eto naman akong bira na lang ng bira. Hindi na ako marunong magisip bago gawin ang isang bagay. Fuck this impulsiveness.
Teka ang sakit ng puson ko..
Sabi nila wag ka daw magdedesisyon kapag may sakit kang nararamdaman. Katulad na lang ngayon, napagdesisyunan kong ikwento si Mr. swave kahit na dapat naman talaga hindi ko ito kekangang gawin.
Anong nangyare? Wala naman. Kaya isang buong buwan akong hindi nagblog kahit na madami na akong oras para gawin 'to dahil may iba akong pinagkakaabalahan. Oo yung lalake ko. Tae! Ako na ang magaling! Akalin mo yun? Nagawa ko talaga yun? Well. Hindi naman kataka-taka.. nasa dugo ko na ang pagiging malandi. Kaso duuhhh! Maling mali e! Mali talaga! Gusto kong pupukin sarili ko. Eto na yung karma. Ang sakit talaga ng puson ko.
Tsaka na ako magkekwento tungkol kay Mr. Swave.. ang sakit lang kasi talaga
Pero eto hint: buti na lang may kunsensya ako. Mahal ko nga talaga yung chicks ko sa Singapore.

Subscribe to:
Posts (Atom)