Friday, December 31, 2010

New year with a bang! bang! bang!

Magpapalit na ng taon maya maya pero hindi pa din kami nagkakausap ng maayos.

Walang text.

Ni ha! Ni Ho! WALA!

Eto ang taon kung kelan ako hindi single. as in totoong may boypren.

Eto ang taon kung kelan ako huling magiging estudyante (please! sana hindi)

SANA NEKS YEAR AFTER KO MAKA-GRAD AT MAKAPASA NG BOARDS

MAY TRABAHO PO AGAD SANA AKO! o kaya..

NAGAARAL AKO NG SPED
! :D

ayaw ko nang sumama ang loob etong bagong taon. :D





Happy new YEAR!

Thursday, December 30, 2010

Pinapasama mo loob ko, nakakainis ka, naasar talaga ako sa'yo, Hindi ako galit dahil pumunta ka jan, nagagalit ako kasi hindi ka marunong magpaalam.

--expression of thoughts from me to my BOSS

STRIKE 1

Pagkagising ko sa umaga, sasabihin mo sa akin na hindi ka umuwi kasi natulog ka sa bahay ng kaibigan mo sa sobrang kalasingan.

STRIKE 2

Naghintay ako sa'yo para makasabay kang umuwi just for me to find out na may lakad ka pa palang pupuntahan. Ayun! Tangina, magisa akong umuwi.

STRIKE 3

Naghihintay ako ulit sa'yo para makasabay sana kitang umuwi, nagtatanong kung may lakad ka pa ba para hindi na ako maghintay at hindi moko sinasagot sa tanong ko. Umuwi ako dahil sa inis at bigla kong malalaman sayo na may pupuntahan ka talagang lakad. BUTI NA LANG UMUWI PALA AKO!


With your lame excuses, mas lalo akong naiinis sa'yo.

BAKIT BA GANYAN KA?!

Nakakainis ka naman e!

Sige lang, Hindi ako magsasawang magpapansin sa'yo, pero tangina, papaalala ko.. Lahat ng tao napapagod.

Ayaw na talaga kitang awayin please! Kaso nakakainis ka talaga e!

Sunday, December 26, 2010

Bakit ngayon lang superman?

Sabi ko noon, iiwasan kita para mawala ang nararamdaman ko para sa'yo. Ang swerte ko dahil habang naghihintay ako na mawala yung kalokohan kong pagibig para sa'yo na nung kinalaunan e nalaman kong paghanga lang pala yon, e biglang dumating si BOSS sa buhay ko.

Superman.. nakakatuwa dahil wala na nga yung nararamdaman ko sa'yo, naging magkaibigan tayo na wala akong kinikimkim na bitterness. Kaso anong nangyari? Ba't ganyan ka?


Thursday, December 23, 2010

SHRINK

Si PV na may boypren na si POGI na ex si SMART na kaibigan si BOSS na pinsan si FASHIONISTA na friend ni CYCLIST na schoolmate si PV.

GETS? ang slow mo naman.. pareho tayo. pareho ng pagikot ng mundo ko. ang slooow...

Hindi na ako nagtaka pa kung magiging maliit ang mundo para sa aming dalawa. ang problema kasi natatakot ako na lumaki ang circle of frenemies ko e. Ang dami pa namang mga mapangmata na tao. Natatakot lang ako na baka isang araw, hindi ko na lang mamalayan, may iba nang elemento ang maaaring maging threat para sa aming dalawa.

Kelangan kong lawakan ang radar ko.

Wag n'yo na lang akong intindihin, puyat lang ako. Wala sa tamang wisyo.

Tuesday, December 21, 2010

HATERS GONNA HATE!

hindi na ako magiging PAPANSIN
hindi na ako magiging EPAL
hindi na ako magiging PA-BIDA
hindi na ako magiging PA-SIKAT
hindi na ako magiging MADALDAL
hindi na ako magiging SARCASTIC
hindi na ako magiging SI PV

Tutal ang gusto ng mga tao e wag ako maging ganyan - NO! Minsan ko nang pinilit baguhin ang sarili ko para sa ibang tao, ako lang ang nahirapan... Tsaka wala din namang nangyari. WehNonaman kung ayaw sa akin ng ibang tao dahil sa ganyan ako. Tanginang learned helplessness yan! Nawawala ang pagiging positive thinker ko! HINDING HINDING HINDI KO BABAGUHIN ANG SARILI KO PARA SA INYO! Babaguhin ko ang sarili ko dahil ginusto ko yun..

Sorry na lang kayo, presensya ko pa lang naiirita na kayo. MAGSAWA KAYO!



Friday, December 17, 2010

May putok po ako.

Ganitong Ganito yun e.

May naasar sa akin, tapos naiirita kasi nga epal ako, pabida ako, ang arte ko.

Naiinis ako sa sarili ko, kasi hindi na ako nagbago. sana talaga hindi na ulit mangyari yung nakaraan. ayoko na ng ganitong pakiramdam.

Yung tipong pakiramdam mo, magkakampi ang buong mundo laban sa'yo, at ang mga tanging tao na inaasahan mong makakapitan mo, maliban sa mga magulang mo, e mga nilalang na tinuring mong kaibigan na tatalikuran ka.

Walang ano ano gusto kong magbago. pero paano? naiiyak na lang talaga ako, naaawa ako sa sarili ko, kasi hindi ko kayang solusyunan yung problema sa ko sa sarili ko na halos buong buhay kong hindi nalalaman na ganun pala ako.

Parang putok.

Yung taong meron nun kasi, hindi niya alam sa sarili niya na may kakaiba na pala siyang amoy, tsaka na lang niya malalaman ang lahat, nang mapapansin niyang nilalayuan na siya ng tao. At nang matuto siyang gumamit ng deodorant, wala nang taong gustong lumapit sa kanya, kasi ang alam ng lahat, ay may putok siya, mabaho siya, at dapat pandirihan.

Kapag pakiramdam mo pinaguusapan ka ng isang grupo ng tao. wag mong ipagwalang bahala. instinct ang tawag jan. TOTOO YAN!

At ang rule of thumb : KUNG SINO ANG WALA, SIYA ANG PAGUUSAPAN.