Friday, January 30, 2009

Sweden

I am trying hard to write in english, and i'm still trying hard. trying hard talaga

Kaso nagmumukha talaga akong trying hard e

Hindi naman ako nagpapatawa.. isa pa mga sinusulat ko dito hindi naman talaga nakakatawa, nakakatae siguro...

Maiba nga nang usapan..

Ang battery exams ay isang pagsusulit kung saan ka susubukin nang mga nagturo sayo mula nang pumasok ka sa unibersidad nila. Titignan kung may natutunan ka ba o hindi.. Alam mo ba na ang assigned room ko para sa exam e room 311? wala akong kilala sa mga maaari kong maging kasama sa silid na yon.

Alam niyo bang sa Sunday na 'yon?

Alam niyo ba na netong mga nakaraang araw e busy ako? kakalaro nang dota?

...alam kong wala kayong pake.

Pero ano ang ginagawa ko ngayon? Wala naman. Eto nagkokompyuter..

E kung magaral na kaya ako? Eh ano naman ang aaralin ko? wala naman akong study materials..


LECHENES!!!
LIECHTEINSTEIN!



negatibo.magulo.malungkot.makalat.MALABO

Thursday, January 29, 2009

A story with a lesson

PeeVee: Kuya ano yan?
Kuya: Dota
PeeVee: Turuan mo nga ako
Kuya: Wag na!
PeeVee: Sige na!
Kuya: Ang kulit mo! Alis ka nga naglalaro ako e
PeeVee: Turuan mo na kasi ako. Gusto mo bang masaktan? Ha kuya?
Kuya: Kinuya mo pa ako!
PeeVee: *tinulak kuya niya at umupo*
Kuya: Ayos makatulak ha!
PeeVee: Pano ba 'to?
Kuya: Sige na nga..
PeeVee: *pumipindot pindot sa keyboard* Pano ba 'to ha? Pano ba 'to ha?
Kuya: Teka nga! wag kang magulo! wag ka kasing pindot nang pindot!
PeeVee: Eto naman! ang hayblood!
Kuya: O ayan.. Si Alleria gamit mong hero.. Team Sentinell ka.. yung mga kalansay, yun yung Scourge.. kalaban mo yan, tapos kakampi mo yung mga walking trees.. Klaro?
PeeVee: Recto!
Kuya: Huh?
PeeVee: Wala! nagjoke ako di mo lang naintindihan
Kuya: Ano nga kasi yun? Bakit Recto? *after 10 years* Ahhh.. AHAHAHAHA! AHAHAHAHA! AHAHAHA! AHAHAHAHA!
PeeVee: Tae yan! ang pagong!
Kuya: AHAHAHAHA! AHAHAHAHA! AHAHAHAHA!
PeeVee: (annoyed) O bilis! pano ba 'to?
Kuya: Teka lang.. AHAHAHAHA! AHAHAHAHA! AHAhahaha! ahahahaha! ok i shut up.. hehehe!
PeeVee: Sos!
Kuya: Basta ang goal neto sirain yung building sa gitna nang base nang kalaban. ok?
PeeVee: Dami pa satsat.. game na!
Kuya: Ayan! may kalaban na! i-attack mo
PeeVee: Pano ba yung attack dito?
Kuya: Sigaw mo lang.. "Attack! Attack" ayun
PeeVee: Naman 'to eh! Gaguhan
Kuya: Bah! nagpapaturo ka lang e. pindutin mo yung "A"
PeeVee: Nu ba naman 'to! atake nang atake yung kalaban!
Kuya: Malamang! kalaban yan. alangan namang tumunganga yang mga yan jan
PeeVee: Nyerk Nyerk!
Kuya: Mamamatay na yung hero mo, balik ka sa base mo tapos magheal ka dun sa may fountain
PeeVee: Ha? Pano mo nalaman na mamamatay na yung hero ko?
Kuya: Pag tinakda ka na ni Lord na mamamatay ka mamamatay ka na talaga
PeeVee: Tinatanong nang matino eh
Kuya: Alis ka na kasi diyan, sinisira mo laro ko e *sabay tulak kay pv*
PeeVee: *tinulak kuya niya*
Kuya: Gago ka ha! *Tinulak ulit si pv*
PeeVee: *sinuntok kuya niya sa braso*
Kuya: *hinawakan yung braso ni pv, sabay hinagis siya*
PeeVee: *tumilapon-- lumapit sa kuya niya.. kinagat yung kamay ng kuya niya*
Kuya: TANG INA! ANG SAKIT BITAWAN MO AKO *hawak sa buhok ni pv, tapos sabunot*
PeeVee: *nakakagat padin sa kamay nang kuya niya*
(insert kagat portion by PV and sabunot portion by Kuya Peewee)
Kuya: O SIGE NA IKAW NA ANG MAGLARO! BITAW NA!
PeeVee: *tinanggal ang pagkakakagat sa kamay nang kuya niya* PWE! Yak! Kuya! amapait!
Kuya: Tarantado ka! Sakit nun ha!
PeeVee: AHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHA!

Nagtagal pala nang halos isang minuto ang pagkakakagat ko sa pinsan ko na ayaw magpalaro sakin nang Dota.. ahahahaha! nagkapasa nga yung marka nang ngipin ko sa kamay niya e.. ang damot kasi! Ako naman.. sus! sabunot? immune na yung buhok ko sa sabunot ni mama e.. bwahahahaha!

LESSON: WAG PAGDADAMUTAN SI PEEVEEE

P.S.
Nextweek na yung exams namen.. pero guess what.. tama ka! ahahahaha! hindi pa ako nagaaral. Busy ako kakalaro nang D.O.T.A. sa tinagal tagal nang panahon na naririnig ko yang larong yan, NGAYON PA! ngayon pa ako nagkainteres na maglaro nito kung kelan exams week shet! lagot lagot ako ngayon pagdating nextweek..istak knowledge kid.. sisihin si Kuya Peewee!

Sunday, January 25, 2009

Maalala mo kaya.. friendster style

Laos na ang friendster diba? Umaariba na ang facebook ngayon... hindi ko na nga binubuksan yung friendster account ko.. paminsan minsan na lang pag trip kong tignan yung horroscope ko.

Nagscan ako nang mga profiles kahapon nung mga "friends" ko.. ang dami kong nakita, ang daming nagbago.. ang dami ko ding reactions

tulad na lang ito:

----------
"Dati baby na baby ang face niya, aba?! ngayon may baby na siya"

"Eto yung nambubully sakin dati.. anong nangyari sa kanya? mukhang malnorish.. kinarma ata, bwahaha! belat!"

"ui! nasa states!"

"Ay? may anak na siya? walang asawa?"

"Aba.. etong dalawang 'to naging sila? e parang dati e aso't pusa sila ha? ngayon tao na.. ahahaha! joke lang inggit lang ako"

"Nagnursing din pala etong gagong 'to"

"Sino na nga ba ito?"

"Teka.. babae ba 'to o lalake? dati sir ang tawag namen sa kanya sa CAT, bat may boobs?"

"Dati hindi mo madifferentiate ang likod sa harap.. bah! ngayon may hinaharap na siya!"

"Eto yung may krass sa akin dati e.. bahahaha! ang loser naman niya, single padin siya.. e kung ligawan ko kaya siya? ahihihihi!"

"Ang gwapo padin niya hanggang ngayon"

"Noon ang taba taba niya, ngayon ang sexy na nya!"

"Crush ko to date kasi ang gwapo niya, bakit mukha siyang nag-crash? ahahaha!"

"Bum?.. e ang talino neto dati ha!"

"4th year.. highschool padin siya? anong nangyari?"
----------

Para akong sira sa harap nang computer kakabanggit nang mga yan, narealize ko ang dami na talagang nagbago.. ako.. dating maganda, lalong gumaganda.. ahahahaha!

Bigla kong namiss mga dati kong kaklase..

Kamusta na kaya sila?

Saturday, January 24, 2009

Si MAMBO bow

Kagalit ko ngayon aso namen..

Sabihin niyo nang weird na may kaaway akong aso, pero ganon talaga..

Akala ko nung una walang talent itong asong ito, tatahol lang pag nagugutom, o kaya pag gusto magpapansin at pumasok nang bahay.. nagkakalat kung saan saan, tapos pag hindi siya naligo at ang baho baho e biglang tatapat sa elektrikfan, bwisit diba?

Netong isang araw lang may napansin ako sa asong ito..

Sa una nagaalala ako sa kanya kasi kung ano ano ang pinapasak niya sa bibig, mga bagay na hindi naman kinakain nilalamon niya. baka kasi yun ang maging dahilan nang kamatayan niya.. pero hanggang ngayon eto nasa tabi ko siya, natutulog..

Kumakain kasi siya nang plastik *sana mga taong plastik na lang para may malaki itong pakinabang* minsan naman yung tsinelas na gawa sa fur akala ko nung una nginangatngat lang niya yun pala kinakain na! yung kahoy pinagkakadiskitahan din, sira sira na nga mga upuan pati yung pinto namen dahil sa habit niyang yan..

Pero di ko talaga matanggap na pati ba naman pera? (siyempre yung bills! walang gaguhan! anoba!) isang 200 peso bill, tsaka isang 50 peso bill din yun..

Magkakatalent na nga lang ganon pa.. sa susunod papakainin ko siya nang apoy.. maiba naman

Thursday, January 22, 2009

Umiiyak ang puso kong sumisigaw..

*isang napakaboring na araw sa buhay ko*

Peevee: KNOCK KNOCK!

Classmate: WHO'S THERE!

Peevee: LASENNGA

Classmate: ABA BAGO YAN HA! SIGE NGA... LASENGGA WHO!

Peevee: ALL LASENNGA LADIES ALL LASENGGA LADIES ... NOW PUT YOUR HANDS UP, OH OH OH (sayaw pv! sayaw pv!)

Other Classmates: WAHAHAHAHA! tawa to the max

oo00oo

Peevee: FREEZER KA BA?

Classmate:HUH? BAKET?

Peevee: TINITIGASAN AKO EH

Other Classmates: WAHAHAHAHA! tawa to the max

oo00oo

Peevee: NAGBABARIL-BARILAN KA BA?

Classmate: BAKET?

Peevee: PATIRA NAMAN!

Other Classmates: WAHAHAHAHA! tawa to the max *wala na sila sa sarili masakit na tyan nila*



oo00oo


Classmate Crush: NATUTUWA AKO SA'YO . FRIENDS TALAGA TAYO

Peevee: *deep inside* TAE! FRIEND LIST NANAMAN AKO!

Peevee: HUHUHUHU! ngawa to the max



*insert song here: kaibigan lang pala... kaibigan lang pala.. *


We are friends.. plain friends.. kaso ako may malisya flavor. siya walang paki factor..

P.S. Madami akong krass. kulang ang daliri mo para bilangin sila; and yes kasama ang daliri sa paa

P.S.2 Kumokorni talaga ako pag naboboring ako. more bored. more kornier

Tuesday, January 20, 2009

sa sobrang taas, walang kayang makaabot.. sa sobrang baba.. parang wala na

Anong akala mo sa sarili mo?

God's gift to all women?

Center of the universe?

ANG KAPAL MO! OO! MAKAPAL KA!.. KASAMA PATI BILBIL MO!..

Kaso hindi ko naman magawang masabi sayo yan.. kasi.. ano.. kelangan ko ba talagang banggitin kung bakit?.. basta! alam mo na yon.. alam nyo na yun kung anuman yon.. yun na yun!


..........
Mapride akong tao.. kung pride ang paguusapan, marami ako nyan.. sa sobrang dami nito, wala nang makakatalo..

minsan naman sa sobrang baba.. parang wala na..

at ang minsan na yon ay nangyari dahil sa kanya..

..........

Hindi ko na makita kung ano ang mga pinagsasabi ko dito dahil sa nangingilid na luha sa mata ko.. para akong may nalulon na bola dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.. you know.. bola.. as in balls.. ahahaha!

ewan.

ewan.

ewan.

ngayon, ako na pinaglalaruan nang sarili kong joke.. hindi na ako nadala! ayoko nang makipagbiruan sa iba.. tapos bigla kong seseryosohin.. ang engot ko talaga!

"Uy ano? tayo na? tayo na ha?.."
"baka magsisi ka? sigurado ka?"
"hahaha! naniwala ka naman! joke lang yon shempre"
--pero sa loob loob ko.. oo sigurado ako, kaso ang chaka naman kung magiging tayo dahil sa biruan na gawa gawa ko.. woshooo! gusto mo din naman! ahihihi!

tae ang landi ko!.. ahahahaha!

pero di na kita kakausapin! leche ka! leche!

Monday, January 19, 2009

Stress can make you baliw! Like crazy

Pwede bang mamatay? Kahit saglit lang.. kelangan ko kasi nang tulog--mahabang tulog.. wala kasi ako nun e.. Manghihiram na nga lang ako.. O kaya bibili.. o sige na nga.. i'll produce my own tulog...

SITUATION: Wala pa akong tulog, pero madami pa akong dapat gawin. Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan lahat sa dami nila, naisipan kong magpakamatay muna. alin ang dapat piliin?


----------

*you can choose as many as you can!*

a. Tumalon mula sa mataas na lugar
Rationale: pwedeng gawin, pero baka magbounce back lang ako.. unsuccesful ang attempt na ito, and besides may fear ako sa heights -altophobia-

b.Maglaslas gamit ang nangangalawang na blade
Rationale: Ayokong maging duguan.. takot ako sa dugo. pero magiging nurse ako, ang gulo no?

c.Uminom nang lason
Rationale: Hindi ito pwede. Gusto ko pag namatay ako maganda pa rin ako. ayoko nang nakangiwi at bumubula ang bibig. baka kasi ifeature sa tv ang pagkamatay ko. sayang sa exposure kung panget ako diba?

d. tulungan akong gahasain si crush-slash-blogger-friend-slash-ewan ko kung ano ang meron kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang sinasabi ko-pakshet
Rationale: aba pwede ito.. kaso ayoko. ayokong masaktan siya. pero kung pipilitin mo ako edi sasama ako sayo... ahihihi!

e.Wala.. nagiinarte lang naman ako e..
Rationale: Pwede! Inaaliw ko lang naman ang sarili ko.. kasi mamaya patayan na ang paggawa nang mga reports.. yun lang naman.. at gusto ko na muna sanang mamatay.. as in nao..

f.Pray to God
Rationale: eto na ata ang pinakamagandang choice.. pero ayon nga sa kasabihan, nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.. e wala pa nga akong nagagawa! inuna ko pa ang pagboblog ahahaha!

g.Wala ulit.. pakialam mo?
Rationale: Hindi kasi ako umiinom nang milk lately. which has L-trytophan, the vehicle of serotonin. Serotonin is essential for stress.. ewan! ayoko nang magexplain.. yan ang gagawin ko mamaya e.. after kong mamatay. basta! sira ata ang serotonin synthesis ko kaya ganito ako.

h.Magpasagasa sa truck
Rationale: Kung eto ang sagot.. Mali ka!.. masisira yung truck. mayuyupi na parang lata. kawawa naman yung truck.

----------

O alam mo na ang sagot?
Ok.. pass your papers. finish or not finish.

nyeta yan! makagawa na nga nang reports...

Sunday, January 18, 2009

Man hater ako ngayon...

INTRO: Wag daw akong makikipagusap sa kung sino sino.. wag daw akong hihiwalay sa kanya hangga't maaari, at sa oras na mawala man ako.. wag na wag akong aalis sa kinakatayuan ko...

--Paalala sakin nang nanay ko sa tuwing isasama niya ako sa mga lakad niya..
oo000oo

Madaming beses na niya naulit sakin yan, pero parang nakalimutan ko ang isa sa mga ito..


...DONT TALK TO STRANGERS...
oo000oo
Hindi ako nakikipagusap sa kanila, sila ang lumalapit sa akin; kasalanan ko ba na binigyan ako nang Diyos nang kakaibang kagandahan na di maihahalintulad sa ganda nang iba na nagbibigay sa mga estrangherong ito nang dahilan para maakit sa akin?--NO!.. maganda ako, tapos.. dapat e magpaslamat sila at may taong katulad ko na ubod nang kabaitan at kagandahan ngunit tao padin naman ako! hindi ako diyosa, may puso at kaluluwa, may parte padin nang katauhan ko ang marupok na nagpapaagos sa daloy nang malakas na tubig.. hinahayaan ang sariling matangay nang hangin...
at ano ang mga pinagsasabi kong ito?!!! hahahahaha!

nakakainis! bakit kasi may mga lalake na kung makipagusap sayo e napaksweet... tapos bigla mo na lang malalaman na may gelpren na pala siya.. bwakinangshet!! sino ito?.. itago natin siya sa pangalang crush-slash-blogger-friend-slash-ewan ko kung ano ang meron kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang sinasabi ko-pakshet


basta... ang masabi ko lang sayo crush-slash-blogger-friend-slash-ewan ko kung ano ang meron kami.com and everything that occupies space and has mass and weight-punyeta-ano bang sinasabi ko-pakshet... mahal padin kita--NO! erase that! krass lang pala kita... ay hinde! di na kita gusto---pero siyempre echos lang yon! ewan! i hate you!!~ ahahahaha!! tangina ang gulo!!!!111oneone1!!

Wednesday, January 14, 2009

First Love

"At kahit hindi naging kami sa huli.. siya pa rin ang first love ko"


The new Elbimbo first love commercial of McDo is great.. syempre ba naman, lahat e nakakarelate, sino ba ang hindi makakaalala sa mga first lab or first krass nila diba?... bigla ko tuloy naalala yung akin.. ahihihi! uyyyy! yikkeeee! ayiii! ahahahaha! kiligers!

I was in preparatory level then, about 5 years old.. (ang aga aga kong lumandi! LOL!)i had a crush on one of my classmates, im not really into his looks because what i liked about him is his kindness to me. He always share with me his baon, so ako naman share din sa kanya.. most of the time we are together, lagi kaming sabay sa paghintay din nang sundo namen tuwing dismissal. Then one day bigla na lang siyang hindi pumasok sa school, at nung dismissal na namen bigla ko siyang nakita, i was about to approach him then to ask why i didnt saw him the whole day, but as i called his name he just took a glance at me then run away going to his friends... umiyak kaya ako noong araw na yon! grabe! i thought that he doesnt want to be with me anymore.. and that was the first time na nafeel ko ang lungkot nang pagiging broken hearted.. at a very young age.. only to find out na may twin brother pala siya.. o nagets mo na kung bakit parang hindi niya ako kilala nung tinawag ko pangalan niya that time? hinde? pareho tayong slow, haha! he's sick at that day that's why hindi siya nakapasok.. at twin brother niya yung nakita ko...

Hindi ko na alam kung asan siya ngayon.. kasi nagmigrate na sila sa states nung nagelementary kami.. his name is Justin Agustin.. asan na kaya siya?.. may girlfriend na kaya siya ngayon?.. ano kayang course ang kinuha niya ngayong college na siya?.. ang lungkot..

ano kaya no? kung nandito padin sila sa pinas? magiging kami kaya?... *sigh*

i suddenly miss my childhood..

Sunday, January 11, 2009

Tamad Sunday

INITIAL DATA BASE??

FAMILY NURSING CARE PLAN??

Wala akong idea kung paano gumawa nang kung ano man yang dalwang eklavoos na yan; e kasi naman, nakakatamad ang makinig sa mga prof.. tapos matatagalan pa kung magbabasa pa ako nang libro para dito... bukas na ang deadline neto, at balita ko.. mahaba daw ang paggawa nito..

Wala ba yung instant?.. yung bang, instant na malalaman ko kaagad kung paano gumawa nang ganito? inatake nanaman kasi ako nang katamaran.. and i hate this!

instant noodles
instant food
instant boyfriend (???)

kung meron lang sana na instant knowledge e papatusin ko na.. yun bang with in just a snap of your fingers you can know everything that you want to learn.. tapos makikita mo na lang yung bumbilyang iilaw sa tabi nang ulo mo... then *ting* you got an idea...

e instant life kaya?

pakamatay na lang ako.. di ako marunong gumawa e..

Thursday, January 8, 2009

Nerdy-NO

Nageenjoy ako nang bakasyon! e putang ina! bakasyon yun! ba't ako magaaral?!


Hindi naman sa against ako sa mga nangyayari sa school, it's just that i'm so pressured with those things happening on that hell.. may battery exams pa kasing nalalaman! demmet! pero anong magagawa ko? it's the only way para maging nurse ako.. so all i have to do is to study hard for it.. tapos bigla ko na lang malalaman that our midterm exams will be a week after that battery exams...

WOWOWOWOW SEEEEEEEHNG!!!

So patayan ang pagaaral na gagawin ko netong coming weeks.. i will be busy for the rest of the day.. ang saya!!!

at ang sabi nila..

dapat nung bakasyon pa lang, nagsimula na kayong magaral..


DUH!!! asa pa! i was known to be O.C. with my grades but i will not definitely do those nerdy things-- to study during vacation breaks? big NO

Monday, January 5, 2009

Bodyclock Disfunction

Pasukan nanaman..

kelangan ko nanaman ulit sanayin ang bodyclock ko na magising sa tamang oras and at the same time e matulog nang tama din sa oras... demmet! hindi pa ako natutulog.. at mamaya na ang pasok namen..

bawal pa namang hindi pumasok mamaya for we have a community exposure this morning, first day of class may bonggang activity kaagad.. and o by the way.. im a nursing student.. :D just to inform you.. hehehe!


kaso paano ako makakatulog?.. our neighborhood are still having their karaoke sessions.. extension nang new year ata nila.. fuck! ok lang sana e, kaso sintonado.. bigla ko tuloy naisip

gusto ko maging singer, kaso ayoko.. kasi nakakahiya (hindi man lang inisip kung qualified? hahaha!)

OK! in my dreams na lang..

i have to sleep!!! NAO!!!

Friday, January 2, 2009

two-ow-ow-nine

NEW YEAR'S RESOLUTION KO?

  1. Magaaral na akong mabuti
  2. Magiging masinop na sa gamit
  3. Hindi na ako magiging gastadora
  4. Go to the gym, at magpasexy
  5. Less Landi


Para din naman sakin yang mga resolutions na yan, some of those are the same resolutions i made last year and unfortunately hindi ko nagawa... due to some.. uhhh... lack of time?! lack of resources? lack of.... uhhh... wala na akong maisip.. (excuses! ahihihi!)

Thursday, January 1, 2009

First

...Check Blog...

Just testing... this blogging thing

gumawa nanaman ako nang blog ko.. using other google account
BAKIT?
kanya kanyang trip lang 'to..
ngayon naman a super personal blog
...by the way...
HAPPY NEW YEAR!!!