Monday, February 13, 2012

When life gives you Lemons.

Naghihiwa ako ng lemon para sa tequila, alam ko nang masusugatan ako pero pinilit ko padin gawin. Ayan... nagkasugat nga tuloy ako. Diba ang tanga lang? Naisip ko na ngang masusugatan ako, pinilit ko padin.

Katulad na lang yung pagpilit ko sa gusto ko, kahit na naisip ko nang mali ginagawa ko. Dahil dun nasugatan tuloy puso ko (nyak! ang drama lang) pero totoo 'to. Nasaktan ako kahit papaano.

At katulad din nang nangyari sa pagpilit ko na paghiwa ng lemon na nasayang lang kasi hindi naman ininom yung tequila (dahil hindi daw masarap ayon sa mga tequila drinker na kasama ko) Nasaktan lang ako... yun lang. Nasayang lang din ang mga effort ko para pasayahin ang sarili ko. Biruin mo? Isang buong buwan. Kung saan saan ako lupalop nakarating??? AKALAIN MO YUN?! Bigla akong naging gala at kaladkarin dahil sa pagpilit ng gusto ko??

Pero hindi naman talaga masaya palagi kapag pinipilit mong gawin ang gusto mo e.

Tigas talaga ng ulo ko! 3x