Sunday, February 19, 2012

Magpokpok na lang kaya ako? Noh?

Sige nga! Saan ka makakakita ng trabaho na hindi nagsasabing nangangailangn sila ng empleyado na may pleasing personality? Kung lahat ng kumpanya e pleasing personality lang ang requirement nila para tanggapin ang isang empleyado fosho madali akong makakahanap ng work neto. Ganun ako kaganda.

Wag kang epal. Sabihin mong hindi yun totoo. Lagot ka sa akin.

Nagsimula na akong magayos ng mga papers ko para makapaghanap ng mapagte-trainingan kong hospital. Matatapos na kontrata ko sa work ko by March, tapos halos lahat ng mga pinaplano kong mga trainings e magsisimula ng May. So bale may isang buwan akong bum kung magkataon.

AYOKONG MAGING BUM! :(

Isang linggo nga lang akong mananatili sa bahay, maloloka na ako e. Paano pa kaya ang isang buwan! :(

Kelangan ko nang gamitin ang pleasing personality ko pati mga kuneksyon ko.

Hello friends! Can I use you? :)