From 29 to 2. Dalawang araw na lang ang natitira magkikita na kami ulit ni boss.. sa wakas.
Kaso. may slight na problema.
Ganito kasi yun.
May isang lalakeng hindi ko masabi na napapatibok niya puso ko like the blood that goes in and out of it, like how boss does it. Kaso he made me smile everytime a talk to him. Well wala pa namang isang linggo kami talaga nagiging ganun ka-close. Pero there's something. Matagal naman na kami magkakilala, siguro mga tatlong taon na din ata. Pero lately lang kami talaga nagkita nang personal.
Natulog ako sa bahay nila isang gabi na hindi ako maka-uwi dahil sa kalasingan. Sa loob ng isang kwarto kaming dalawa lang pero ni buhok ko hindi niya hinawakan. Mas agresibo pa nga ako kesa sa kanya, at yun ang nagustuhan ko sa kanya.
Natulog ako na gising siya, nagising ako na gising padin siya. Hindi ko alam kung ang dahilan ba niya e hindi siya makatulog noon dahil hindi siya sanay na may babae sa kwarto niya o talagang gusto lang niya ako bantayan dahil kahit anong oras pwede siyang magising na wala na ako pati yung mga mamahalin niyang kagamitan sa bahay. Haha!
Ewan ko. Pero i know that this is not cheating on boss.. yet. tsk! patay!
Mahal na mahal ko si Boss. Hindi naman maitatanggi yun.
Siguro dumating lang yung point na sa ka-busyhan niya, namiss ko na yung pakiramdam na kinikilig at talagang araw araw kinukulit para lang maiparamdam sa akin ang pagiging masaya. Which is naibigay sa akin netong lalakeng ito na nakasama ko isang buong araw at kung saan saan ako lupalop idinala.
Itago natin siya sa pangalang Mr.Swave