Thursday, April 28, 2011

Randoms

Siguro mas ok kung isasarili ko na lang yung mga nalalaman, nakikita, naririnig, nababasa ko.

Hindi ko na lang kasi talaga alam kung sino ba talaga ang dapat kong paniwalaan, na pati ang taong hindi ko akalain, e kayang makapagtago ng lihim sa akin.

Hahahaha! ang drama ko. pms? pms? NANAMAN??

O siguro mas ok kung tigilan ko pagiging pakeelamera ko. noh? sos!

CONGRATULATIONS TO ME! :)
at syepmre sa dalawang support person na simula't sapul nanjan talaga sa tabi ko.

MY MAMA AND PAPA. <3

tae. grumaduate na nga talaga ako.

Sunday, April 24, 2011

Pwede kitang hindi kausapin like. 1 to 2 weeks?

k.

Thursday, April 21, 2011

Bossing! I MISS YOU! :)

Habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal.

Ilang beses ko na ba 'to nasabi? Basta.. sigurdao ako, dadating yung araw na mababasa niya 'tong mga pinagtitipa ko sa keyboard na salita. But not now. I dont want him to know how much I love him and the way how it grows like this. Baka lumaki ang ulo niya :))

I was just bothered with what he was thinking this past few days. I feel that there's something wrong with him that he doesn't want me to have knowledge about it. But anyway, I just want to be his source of happiness..

Kinakabahan din ako, bat ganun? Minsan kasi ang instinct ko nagkakatotoo. Pakiramdam ko lang kasi may gusto siyang malaman about sa past niya... Ewan, sana by this time mali ang instincts ko.

Magaaral na nga ako.

Sunday, April 17, 2011

i miss you boss

Pansin ko puro siya na lang laman lagi ng mga post ko dito. Parang pakiramdam ko tuloy sa kanya na umiikot mundo ko, pero pakiramdam ko lang pala yun. Dito ko na lang kasi pwedeng sabihin lahat ng mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya, o sa isahre sa ibang tao yung mga nararamdaman kong frustrations and disappointments towards him. May mga mangilan ngilan na kilig, pero madalang na lang.

Namimiss ko na siya.

Hindi na kami nakakapangabot sa facebook, minsan ko na lang siya makausap. Tinetext ko siya kasi kahit hindi niya sa akin sinasabi na roaming siya, instinct ko na lang ang nagsasabi na narerecieve naman niya siguro yung mga tinetext ko.

Ewan ko ba.

Naiinis lang siguro ako kasi hindi pa ako masanay agad sa set-up namin na ako nandito sa Pilipinas at siya nasa Singapore. Wala namang time differences sa pagitan naming dalawa, pero hindi ko alam kung bakit hindi kami makapangabot lagi.

Thursday, April 14, 2011

moving on...

Ang dami kong nirequest sa kanya bago siya umalis. Gusto ko kasi maramdaman na kasama ako sa mga dapat niyang balikan.

Nagpasamang maghanap ng masusuot para sa graduation ball. Makasama siya for a long time bago siya umalis. Mapagluto siya ng kahit ano para if ever na wala siya sa birthday niya at least, napagluto ko siya. Magpalettering ng pangalan at nagpagawa ng love letter (oo! sapilitan. mas gusto ko sana kusa. pero dahil alam kong hindi naman niya ako igagawa unless sabihin ko. Pinagawa ko siya)

Hindi na ako ganon kalungkot na umalis siya. Basta ang sa akin lang maging ok siya dun. Wag lang siya magpapalandi, at ako lang dapat.

At higit sa lahat. Balikan niya ako.

Wednesday, April 13, 2011

UMALIS NA SIYA KANINA



mamimiss niya kaya ako? o ano?

tsaka BSN degree holder na pala ako kanina lang din.

Hindi ko tuloy alam ang tawag sa nararamdaman ko. Masaya na malungkot. O malungkot na masaya...

Hala.

Baliw na ata ako.

Friday, April 8, 2011

Separation anxiety

Anong gagawin ng leading lady sa pelikula kung wala ang poging bida?

Hindi ko alam. Kasi sa totoo lang wala akong kaaydi-idea kung ano nga ba talaga ang nangyari sa buhay pagibig ko.

Ano bang itsura ng Singapore?

Ni minsan hindi pa ako nakakaranas sa buhay ko ang makasakay ng barko o eroplano o kahit simpleng bangka man lang. Gusto ko ang mahahabang biyahe, yung by land-- bigla kong naalala, ang tagal na pala nung huli.

Parang kelan lang eto ako nagdadrama kung bakit ang unfair ng mundo sa mga katulad ko, na walang boypren.. Minsan naisip ko, ang sarap talaga maging single, kasi nagagawa ko lahat ng gusto ko, mga magulang ko lang ang pumipigil sa akin at wala ng iba pa kundi ang sarili kong konsensya--pampalubag loob lang ba. Oo masaya ang maging magisa. Pero mas masaya nung nakilala ko siya.

Simula nung makilala ko si BOSS biglang nagbago ang lahat, walang araw na hindi ko siya inisip. Hindi pa nagtatagal ng isang taon ang pagsasama namin pero kampante na ako sa tuwing kasama ko siya. Nakakatulog ako ng mahimbing na katabi siya, na sa totoo lang e kapag ibang tao ang katabi kong matulog e mababaw lang ang tulog ko. Nahanap ko yung tunay kong ako na nung una e pinepeke ko lang sa harap ng ibang tao. Nakita niya akong masaya, malungkot, seryoso, galit, makipagtalakan sa isang matandang general, maging korni, tumawa na grabe ang halakhak, mahaggard sa ilalim ng araw habang tinutulungan siyang paandarin ang sasakyan, mabwisit sa ibang tao, mabwisit sa mundo, mabwisit sa kanya.

Ano ba yan BOSSING. parang kelan lang binibigyan kita noon ng donut kasi naaawa ako sa tuwing katext kita at sinasabi mong hinahypoglycemia ka na. Parang kelan lang na pinaglulutuan mo ako sa tuwing pumupunta ako sa inyo. Parang kelan lang nung nanood tayo ng Step up nun kasama yung mga kaibigan ako at kinagabihan nun e nagsabi ako ng I love you sayo.

ewan ko ba.

Sabi ko sa sarili ko noon, ayokong munang magkaboypren sana kasi makasarili ako, at ayokong masaktan.

Eto na nga siguro yun.

Nasasaktan ako sa pagalis mo, pero hindi ibig sabihin nun e pipigilan kita. Kasi naman, minsan na nga lang tayo magkita, minsan na nga lang tayo magkakwentuhan e ang siste e sa pagalis mo nyan, panigurado. Yang minsan na yan e magiging madalang.

Mahal na mahal nga talaga kita.

O hala! layas! kung yan ang gusto mo. Para din yan sa kinabukasan mo. Malay mo, kinabukasan natin (sana)

Mamimiss kita panigurado.

Ipriority mo muna yan. Habang ako magaaral akong maigi para sa boards. Para sa atin 'to.

I LOVE YOU BOSS.





Sunday, April 3, 2011

ETO NA TALAGA

NAKAPASA AKO.

yey!

So eto na nga gagraduate na ako. Pagdating ng April 27 BSN na ako.

BOARD EXAM NA LANG. dun dun dun dunnn...

Sa totoo lang ang dami dami kong satsat noon na magaaral na akong maigi. pero may mahigit kumulang 90 days na lang ako bago ang boards pero hindi pa din ako ganon kahanda. AS IN!

Gusto kong maiyak. Ang dami dami kasi. ETO NA NGA! MAGAARAL NA!