Wednesday, July 28, 2010

Dahil hindi naman kasi ako artista. Artistahin lang

Lahat naman ng tao may taglay na kalandian
iba ibang leveling lang yan

*****

Ang dami ko palang lalake?

Hindi ko sinasadya na humanga sila sa akin. Kung tutuusin lahat naman ng tao kinakausap ko, mapalalake o mapababae, gwapo/maganda o panget, mayaman o mahirap. Para na nga akong sira kasi kahit hindi ko kakilala, basta lagi kong nakikita o nakakasalamuha, kapag kinausap ako e kinakausap ko din.

Hindi ako isnabera, hindi din ako suplada, sabi nga nila maboka daw ako, sabi ko naman ma-PR lang, hindi ako nambobola, kung tutuusin taklesa ako. Pero hindi ko sinasabi na pranka akong tao, dahil hindi porke pranka ang isang tao ay may kredibilidad na ito.

Ayun. Dahil sa pagiging ma-PR ko namimisinterpret ako ng iba na nangaakit ako ng mga tao-- lalake in particular. Nakakatawa lang naman kasing pakinggan ang term "nangaakit" ahahahaha! Feeling ko tuloy ang ganda ganda ganda ganda ko to the nth power.

OO ALAM KONG MAGANDA AKO PERO HINDI AKO DIYOSA! HANOBEAR! CARE BEAR!

Compliment siya para sa akin kung tutuusin. Ibig sabihin non malakas ang appeal ng lola mo! Ibang klase ang arrive. Maalindog ang ganda.

Kaso nang binasa ko ang mga pahayag na yon patungkol sa akin sa gitna ng mga patlang (read in between the lines--ampotek yan! ahahaha!) Napagalaman kong hindi ito basta basta compliment. Isa itong pagbibigay ng babala, na ang iniisip ng nakararami e malandi akong shokla.

Keber ko sa kanila. E kaso ako yung tao na ayaw na nakikilala ng marami. Kung maaari e magpaka low profile ako hangga't kaya ko. Ayoko ng napaguusapan, ayoko maging showbiz. Ayokong maging sikat. Hindi naman kasi ako araw para sumikat-- baka maging star pwede pa. ahahaha!

Self Evaluation:

Malandi ako-- in a scale of 1 to 10 and 10 as the highest, nasa 6 ako.

*****

they say..

"
you will never know who this person is unless you talk to her"

i say..

"
that's the lesson you get when judging people with their looks, you miss the chance of being with the nicest people.."

Saturday, July 24, 2010

Co'z im mayaman like giving away phones to anyone.

NinginingiNANYO!

Nakasakay ako sa punong jeep pauwi galing sa condo ng kaibigan ko. alas-otso pa lang ng gabi non, maaga akong dapat umuwi kasi dahil nga sa cinderella ako, at may curfew ako sa bahay.

Naaantok na ako, nakapwesto ako sa likod ng driver, nakayuko ako nang naramdaman kong umurong ang mga katabi ko kahit na ang alam ko ay siksikan kami sa jeep. Biglang may tumabi sa akin na mama. Akala ko nga nung una manyak e, kasi may binulong siya sa akin na hindi ko naintindihan, nilingon ko siya, nagkatitigan kami... slowmo... sabay banggit "ANO KAMO?!" leche! ang ayaw na ayaw ko e yung malapit ko nang makuha yung tulog ko tapos bigla akong gagambalain! Nampatola!

Hindi nagsalita yung mama, naramdaman ko na lang yung matigas na bagay sa tagiliran ko na idinidiin niya sa akin, tinignan ko, at biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang bigla kong makita ang hawak niya. Tangina! baril pala yon, akala ko naman tite. Sa pagkakatingin ko sa hawak niyang baril bigla niya akong binulungan ulit na huwag akong titingin sa kanya, yumuko lang ako. Ako naman dahil nga wala ako sa tamang wisyo, sunod ako sa utos ni mamang holdaper.

Nakuha yung phone ko na N73 na hindi pa nagtatagal sa aking ng dalawang buwan. Ang masaklap pa, pinagipunan ko yon. At nagkakahalaga ito noon ng kinse mil.

Nangyari lang yon mga 2 years ago.

Malay ko bang mawawalan ako ulit ng phone netong nakaraang araw pero sa iba namang sitwasyon.

Nagpapaphotocopy lang naman ako. Paglabas ko ng Copytrade. Pagkapa ko sa bulsa ng jacket ko, wala na yung Nokia 5530 ko na color pink, na nung binili ko ay nagkakahalaga ng halos dyes mil, at tulad ng nakuha sa akin na N73 dati. Pinagipunan ko din yon at hindi man lang nagtagal sa aking ng apat na buwan.

Mayaman kasi ako. Namimigay ng selepono.

Ang kinahihimagsik lang naman ng puso ko. E ni hindi man lang nagpaalam sa akin yung kumuha na kukunin niya. Alam ko! Ang tanga ko. Sige na, sabihan niyo akong tanga kasi hindi ko iniingatan ang gamit ko. Pero nampota lang. Paano ko na makakatext ang mga lalake ko?!

Kaya kayong mga lecheng hodaper at mandurukot.

NinginingiNANYO!

Friday, July 16, 2010

GISING!

Exam week namen ngayon.

Ni hindi man lang ako nawindang para maghagulgol sa oras para magaral kahit na ang totoo naman e marami akong oras na pwedeng gugulin sa pagbabasa ng halos 4-inch kakapal na libro, pagsusulat ng reviewer, at pagkakausap sa sarili para malaman ko kung may natutunan ba ako hindi. HINDI TULAD NG DATI. Kung makagawa ako dati ng time table e akala mo kung sinong nage-aim na maging iskolar. May ginawa nga akong "things-to-do-list" ko, kaso hindi naman nasunod.

Masyado na akong nawili sa kilig na nararamdaman ko, taenang pagibig nga naman yan oo!

May mali e. May mali talaga.

Tulad na lang ngayon, bukas ang exam namen para sa isang major subject which is Medical-Surgical Nursing, pero eto ako ngayon nakaharap sa computer at gumagawa ng lathala patungkol sa kanya.

Ayos lang sana e, kayang kaya kong pumasa sa exam ng hindi nagaaral ngayon, pero hindi ko na ugali 'to.

Hala! Sige! katulad ng dati. Istak knowledge kid nanaman ang drama ko.

Kaso mukhang out of stock na.

Im dead. Super dead.

Sunday, July 11, 2010

Malapit na ako sa lababo

Alam mo kung ano ang nakakakilig?

Na magkaibigan kami kahit na alam namin sa isa't isa na may tinatago kaming kakaibang emosyon. Walang sabi sabi, walang umaamin, pero meron talaga. Sa pagkakataong ito, alam ko sa sarili ko na hindi lang ako ang umaasa na sana ay may chance na umusbong kung anuman ang meron kami.

Wala lang. Ayoko pa muna sana, pero anong magagawa ko?

Kapag tumibok ang puso... Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.

AHAHAHAHAAAAAY....

Pagbigyan niyo na ako, minsan lang ako kiligin. :))

Wednesday, July 7, 2010

Imba talaga ang tatay at nanay ko.

Ang hirap maging solong anak sa totoo lang. Kung iniisip ng iba na swerte ako dahil sa nasusunod lahat ng gusto ko, pwes! Ako ang isa sa mga patunay na hindi lahat ng solong anak ay swerte.

Bakit kapag nagpapaalam ka ng maayos hindi ka papayagan, pero pag nagsinungaling ka papayagan ka naman.

Tapos pag nalate ka ng uwi, at nalaman na nagsinungaling ka, ganito ang linya nila:

"MAGPAALAM KA NAMAN NG MAAYOS, PAPAYAGAN KA NAMAN NAMIN"

Tulad na lang netong nakaraang araw, naaya kasi ako sa birthday ng tropa ko noong highschool, natural inuman yon, dahil mga hayok sa alak ang mga yon e. Edi ako naman etong si magpapaalam kila mama at papa

Attempt 1. (Nakaharap si papa sa t.v. nanunuod ng basketball)

Ako: Papa birthday po ng highschool friend ko sa Friday. Pwede po ba akong pumunta?

Papa: DEADMA

RESULT: FAIL

Attempt 2. (Nasa rooftop si papa nagaayos ng kung ano ano, si mama nasa baba nagbabantay ng tindahan)

Ako: Pa, malelate po ako ng uwi sa Friday, after ko sa gym pupunta po ako sa birthday ni *insert friend's name here* pwede po ba?

Papa: Alam na ba yan ng mama mo? Tanungin mo muna siya kung papayagan ka niya.

*bumaba ako para kausapin si mama*

Ako: Ma, pwede po ba akong pumunta sa birthday ni *insert friend's name here* sa Friday? Mejo malelate po ako ng uwi

Mama: Ay anak, wag kang magpaalam sa akin, si papa muna kausapin mo.

Ayon, pinagpasa-pasahan lang ako ng mga magulang ko, walang gustong magsabi na pumapayag sila o hindi

RESULT: FAIL!

Attempt 3.

Ako: Papa, sa Friday po pala, birthday ni *insert friend's name here* pupunta po ako dun after ng school and gym, pero magpapakita lang ako, ibibigay ko lang yung gift ko sa kanya tapos uwi din po ako agad. Nakapagaral na po ako, nalabahan ko na yung mga kelangan kong labahan, nabayaran ko na din yung bills na pinapabayad niyo...... (in short, nageffort talaga ako para payagan ako)

Papa: Galing ka ng school and gym non? Pagod ka na non, wag ka nang pumunta.

Ako: E sige na papa, Dali na.

Papa: Tanungin mo mama mo kung payag siya.

Ako: E papa sasabihin lang ni mama din sa akin na sa'yo ako magpaalam e.

Papa: Sa kanya ka muna magpaalam, tapos paguusapan namin

Ang totoo, pag ganyan na ang eksena tuwing nagpapaalam ako sa tatay ko, yan ang lagi niyang linya sa akin. Tapos pagpapapasa-pasahan nanaman ako ng mga magulang ko.,hanggang sa hindi ko alam kung pinayagan na ba ako o hindi.

RESULT: FAIL ULET!

Attempt 4.
(Kumakain kami ni mama)

Mama: Anak, sa Friday birthday ng kaibigan mo diba? Hindi ka pala pinayan ng papa mo kaya wag kang pumunta.

Ako: Ay mama, hindi na po talaga ako pupunta, kasi po nagkaroon ng changes sa schedule, may duty po kami, 3pm to 11pm po yun.

Mama: A ganun ba, sige sasabihin ko na lang sa papa mo.

RESULT: SUCCESSFUL (kelangan pa talagang magsinungaling para lang payagan!)

Eto na, to cut the long story short, pumunta ako sa birthday ng tropa ko na naka-uniform! Nakastockings na white at naka-white shoes, para akong pumunta ng costume party, at ang costume ko e nurse. Paguwi ko nang bahay. Parang walang nangyari.

Ibang klase.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ganito ang sitwasyon ko sa bahay. Pero ayos lang naman, Mahal ko padin ang mga magulang ko kahit na minsan ang hirap nilang intindihin.

Ang hirap magpalaki ng magulang.

Monday, July 5, 2010

Ang lolo ni lola mo!

Pwede bang wag mo na akong pakiligin?

Sa tuwing magkakausap kasi tayo parang tropa lang ang turingan natin, tapos bigla ko na lang malalaman na may iba ka na palang nararamdaman para sa akin. Gago! hindi libog yun, kung yun ang iniisip mo! ahahaha!

Nalulungkot ako sa ideya na ganon, mawawalan ako ng kaibigan nang dahil sa pinagagawa ko.

Kasalanan ko kung bakit ka nakaramdam ng ganyang emosyon para sa akin. Nakakatuwa, i appreciate it, kaso takot din ako sa ideya na maaaring umusbong ang maganda nating samahan bilang magkaibigan, magkakainlaban, magiging magkasintahan, hindi maiiwasan ang tampuhan at awayan, magbebreak, magkakalayo, at mawawala na ang dating turingan na ako at ikaw ay friendships.

Ang taray ng lola mo noh? Kala mo naman kung sinong maganda!? hahaha! Nagmamaganda lang naman talaga.

GUSTO DIN KITA. kaso syempre magpapakipot muna ako! BAHAHAHA!

Saturday, July 3, 2010

a love/hate feeling for SUPERMAN!

HOY SUPERMAN!

I HATE YOU TO BITS!

Iniiwasan kita!. pero hindi ko magawa kasi ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para lumapit ako sa'yo.

Pero in fairness.

KINIKILIG AKO!

PERO I HATE YOU PADIN!.

Thursday, July 1, 2010

AGATHA

Ano ang apilyedo ni Agatha?

**********
Ngayon ay dakila akong filingera..

Alam kong may nagmamahal at concern sa akin at feeling ko madami sila, at oo feeling ko isa ka sa kanila. Ako naman, lalagyan ko ng malisya, iisipin ko na may gusto ka, tumingin ka lang sa akin, pakiramdam ko may tinatago kang pagnanasa. Ganon kadumi ang utak ko, assumera din kasi ako. Kaya pakiramdam ko, lahat ng wala e meron, at ang meron e meron talaga.

Ayokong isiksik ang sarili ko sa lugar na alam kong hindi ako kasya, dahil wala akong espasyo para doon. Ayokong sabihing maganda ako kasi ang redundant na masyado, ayokong sabihing matalino ako, baka isipin mong mayabang ako.

Pero dahil gusto kong magfeeling, sasabihin ko lahat yan.

Gusto kong isiksik ang sarili ko sa isang lugar na wala nang natitirang space dahil alam kong kasya ako--seksi ako e!, maganda ako at iniisip kong nagagandahan ka sakin, matalino ako at napapamangha kita.

Wala namang masama sa pagbuhat ng sariling bangko, ang sarap sa pakiramdam na ipagmayabang mo ang sarili mo, kahit na minsan nabibigatan na ako sa pagbubuhat at nangangawit. Pero keri padin, keber ba nila, sarili ko to.

Feeling ko naman totoo ang sinasabi ko at feeling ko naniniwala ka.

Filingero ka din? apir tayo!

**********

Ano ang apilyedo ni Agatha?

ANO?!

Edi.. FEELING..

Agatha Feeling.. oooh!.. that tonight's gonna be a good night! that tonight's gonna be a good night! that tonight's gonna be a good good naaaayt!

**********

I know i'm korni. ahahaha. because i'm bored again like this.