Katulad na lang nung training ko...
Sobrang nagkakanda-kumahog na ako para sa pagaayos ng mga papers ko netong nakaraang araw para makapagpasa sa kung saan saang hospitals, tapos kung ano ano pang ginagawa kong plano na by May e dapat makapagtraining na ako... na dapat makapagpaalam ako eksakto bago matapos etong Feb.. SINONG MAGAAKALA NA IBIBIGAY SA AKIN ITO NG GANITO KAAGA!!!
Sa March 1 na ako maguumpisa :(
Oo.. nalulungkot ako na kinakabahan, na masaya, na naeeksayt, na natatae.. hindi ko naman kasi inexpect na ganito kabilis ang mga pangyayari. Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa mga boss ko na hindi na ako pipirma ng panibagong kontrata. Ang hirap pa man ding maghanap ng kapalit ko. Kinakabahan talaga ako.. bukas na bukas ako magpapaalam. Hindi ko alam kung paano, pero kelangan.
Hinding hindi ko na idedecline yung trainig offer. Posa! Pinagdasal ko ito, ngayon na ibinibigay na sa akin, tatanggihan ko pa ba?
And now.. kelangan ko nang magisip ng lines na sasabihin ko bukas sa boss ko :(