Wednesday, February 22, 2012

Lumayas ka na sa utak ko. Utang na loob

Sino ka ba? Hindi ka naman gwapo, matangkad at mayaman ka lang.. duuhhh.. isa ka lang namang random guy na ginawa kong pampalipas oras, yung tipong dahil wala akong magawa tsaka lang kita kinakausap. Anong ginawa mo sa akin?

Hindi ko maitatanggi, na kapag kasama kita.. hindi ako nabobore, sakto lang... Oo aamin ako, madaming beses mo akong pinakilig, nacarried away ako ng dalawang beses sa kasweetan mo, pero hindi ibig sabihin non e mahal na kita. Sa totoo lang mas narealize kong mahal ko nga talaga si Boss dahil sayo. Oo nga masaya ako sa company mo, pero siya padin talaga ang nasa puso ko.

Pero anong ginawa mo? Anong meron sayo, at bakit hindi ka maalis sa utak ko?

O siguro nasanay lang ako sa kakulitan mo, at ngayon e hinahanap hanap ko.

Kung totoo nga ang pakiramdam ko na 'to.. pwes. Mawawala din 'to. Mga ilang araw pa.. mawawala ka din sa isipan ko.