Mahal, wala lang.. feel ng mga tao dito ang Valentines, naiinggit ako. I miss you :(
Wala naman talaga akong inaasahang magbigay ng kahit ano sa akin ngayong Valentines. Oo pati si Mr. Swave, nasa isip ko man siya kasi nagaalala ako sa kanya kahit papaano. Alam kong sa sarili ko, hinding hindi yun magbibigay ng kahit ano. Asa pa!!!
Kaya etong si Boss drinamahan ko ng ganyan sa text. Gusto ko lang iparamdam sa kanya kung gaano ako nangungulila sa kanya.
Nakalimutan ko nga palang may sweetness din sa katawan 'tong boss ko :)
Inaalala ko kung paano ko nga ba nilampasan ang Feb. 14 ko noon, basta ang pagkakaalam ko, busy ako sa pagaaral.
Akala ko naman kung anong sobrang importanteng bagay ang kelangan niyang ipaabot sa kababata niya. Naiinis nga ako sa kanya kasi nung tinext ko siya ng pagdadrama ko, ni hindi man lang niya ako sinagot ng i miss you too, or kinomport man lang sana ako at sabihin niya na mahal niya ako kahit wala siya sa tabi ko. Inutusan pa ako ng mokong na makipagkita sa kababata niya dahil sa may pinadala daw siyang pera chorva chorva at marami pang kwentong eklat.
Natuwa na lang ako nung pagkatanggap ko ng mga rosas :) Hindi niya kasi ako pinabayaang mag-ampalaya ngayong Balentayms <3
