Sunday, October 17, 2010

Salamat kay Labo.

Hindi kita iiwan.

Kahit pa na haggardness na tayo sa kalagitnaan ng highway at sa ilalim ng galit na araw habang namomroblema kung paano paandarin ang sasakyan.

Hindi kita iiwan.

Kahit na pinapaalis mo na ako, kasi alam mong dyahe ang maghintay para sa akin habang gumagawa ka ng paraan para mapaandar mo ang lecheng sasakyan.

Hindi kita iiwan.

Kahit na mainit na ang ulo mo, gagawa ako ng paraan para makatulong sa'yo kahit maliit na tulong lang at maliit lang ang kaalaman ko patungkol sa mga sasakyan, kahit ang simpleng pagpapatawa sa'yo, para lang mabawasan ang inis mo, kahit na magmukha akong korni sa'yo.


At kung sakali mang iwan mo ako.

Tulad na lang kanina...

Hindi ako aalis sa lugar kung saan mo ako iniwan.

Malaki ang tiwala kong babalik at babalik ka.

At gagawa tayo ng paraan para mapaandar ang letseng sasakyan.

Monday, October 11, 2010

ningas kugon

Sabi ko nga madali akong magsawa.

Ayan na, nagsisimula nanaman akong mawalan ng gana sa mga bagay/pangyayari na meron sa akin ngayon.

Wala na bang bago?

Monday, October 4, 2010

Brad, Sistah!

Gusto ko ng kapatid.

Nung bata pa ako, kung kelan hindi ko pa alam na ang paggawa ng kapatid ay isang ritwal ng magasawa na ginagawa tuwing gabi at tulog na ang anak nila. Lagi kong pinipilit sila mama na bigyan nila ako ng kapatid. Any gender may do. Sinabihan ko na din sila dati na bumili sila ng kapatid ko sa department store sa pagaakalang pwedeng mangyari yon.

Tumigil na lang ako sa pangungulit nang malaman ko ang katotohanan, sa sagot sa tanong na "Bata Bata paano ka ginawa?"

Mas ok sana kung Kuya, pero kahit mas bata sa akin ok na . Gusto ko ng kapatid na mapagsasabihan ko ng mga problema na hindi ko mababanggit sa mga magulang o kaibigan ko. Yung kapatid na nanjan para magkumento sa mga bagay na patungkol sa pagibig na hindi kayang gawin ng mga magulang ko dahil hindi sila sangayon sa pagkakaroon ko nito at hindi din kayang gawin ng mga kaibigan ko dahil hindi din sila sangayon sa pagibig na pinili ko.

Yun lang.

Yung kapatid na ipagtatanggol ako sa mga tao na nangaaway sa akin, sa mga tao na hindi sa akin nakakaintindi, sabay naming kamumuhian ang mga taong walang ibang ginawa sa amin kundi manghusga ayon sa panlabas na anyo, tapos sabay kaming iiyak, sabay na tatawa, sabay kaming magiging maayos--kakain ng siomai at maggygym.

Kakausapin niya para sa akin ang mga taong ayaw ako, isasampal sa pagmumukha nila ang pagkakamali sa pagkilala nila sa akin, na hindi ako tulad ng iniisip nila, na hindi ako masama, na mabuti akong tao, at wala silang dapat ipangamba kung sakali mang maging malapit ako sa mga taong mahal nila.

Kaso wala e.

Siya meron.

May kapatid siya na magkekwento sa iba ng mga nakikita niya sa akin na hindi maganda. Reporter ba.

Ganon.

Ewan ko lang.

Kahit na hindi pa kami talagang nagkakausap na matagalan yung tipong matagalang kwentuhan e parang nagawan na niya ako ng full assessment sa kung anong klaseng tao ako.

Siguro nga ganon na ngayon. Simpleng batian, malalaman na agad kung anong klaseng tao ang kausap mo.

Saan nga ba ako makakabili ng ganong radar? Parang gaydar.

Saan ako makakabili ng kapatid.