Sunday, March 2, 2014

Paranoid post. Hanggang April na lang

Eto yung mga bagay na naiisip ko tungkol kay ategirl at jowa

*Lagi silang magkausap, mapa-online o personal
*Mga intimate talks lagi nilang topic, well, not that intimate, mga tipong styles ng usapan namin dati nung nagsisimula pa lang kami
*Lagi silang magkasamang kumain pag break, minsan group madalas; silang dalawa
*Kung magkataon mang sabay sila maguuwian, naihahatid ni jowa si ategirl, minsan sa may junction, madalas diretso sa bahay
*Kung anong sabihin ni jowa sa akin, sinasabi din niya kay ategirl. Alam mo yung parang dalawa yung gelpren niya? Bwisit diba a.k.a. emotional cheating
*Mas updated pa si ategirl kesa sa akin ng mga whereabouts ni jowa
*"I hate you" sabi ni ategirl kay jowa. Alam na. Girl code.



Naiinis padin ako sayo. Sa tuwing nakikita kita, lagi kong iniisip kung ganunka din ba tumingin sa kanya, kung paano pag natuloy nga na wala na tayo. Liligawan mo ba siya? Malakas ang pakiramdam kong Oo.

At kahit na anong paramdam ko sayo na ayaw ko sa kanya, na ayaw kong nakakausap at nakakasama mo siya. Tuloy padin ang iyong ligaya. Sige lang. Tutal, bagay kayo.

Bigyan na ng deadline ito.