Wednesday, February 15, 2012

I'm not pushing, I was just making a wall. All I want is for him to stay behind that boundary.

a.k.a. The Friend zone.

Nakatulong nga siguro yung pagunfollow ni Mr. Swave sa akin sa tiwtter tsaka pagunfriend sa facebook. Paminsan minsan, sinisilip ko siya sa twitter, gusto ko siyang kamustahin, mukhang hindi siya ok.

Anong nangyari?

Nagsisisi ako... nanghihinayang actually. Isa siyang tao na ang sarap kausap, sarap pagkwentuhan ng kung ano ano. Kaso ayaw niya akong maging kaibigan :( Ako hanggang dun lang ang kaya ko. Pinilit ko pa ngang subukan na pagbigyan sarili ko na gumawa ng kamalian sa pagaakalang baka naman magwork ang ganong set-up, kaso hindi nangyari.

Hindi kaya ng kunsensya ko na para akong nagpapaasa ng tao. Alam naman na niya yun, nasabi ko na ng ilang beses. Oo nga wala naman siyang dinedemand na kahit ano mula sa akin. Pero patas akong tao, I do unto others what they do unto me. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya para sa akin.

Kung maibabalik ko lang ang mga naganap, bago ako magsambit sa kanya ng "walang sisihan" baka hindi ganito kasakit para sa aming dalawa ang mga nangyayari ngayon. Masaya siguro akong nakakasama ang mga taong dati ko pa hinahangaan sa pagsusulat, nakakainuman tsaka nakakakwentuhan. Pero mukhang malabo na mangyari yun.

Nalulungkot ako..

Hindi ko naman maipipilit na maging magkaibigan na lang kami, dahil nanggaling na daw siya sa ganong sitwasyon. Ayoko din namang ipilit ang kagustuhan niya na maging other man siya, dahil minsan na din akong naging kabit. Alam kong sobrang sakit ng ganon. Ayokong iparanas yun sa iba.. sa sobrang sakit, naging iba akong tao. Pasalamat na lang at naisalba pa ni Boss yung natitira kong tiwala sa sarili na kaya kong magmahal at mahalin ng iba. Hopeless ako noon, akala ko hinding hindi na ako iibig pang muli. Akala ko lahat na ng lalake, kayang kaya nilang manloko. Dalawang taon akong ganon. Buti nahanap ako ni Boss.. nalate lang si Mr. Swave ng isang taon.

Ganito na lang siguro ang makakabuti para amin. Gustong gusto ko talaga silang maging kaibigan.. pero mukhang malabo na yun mangyari... Balik na lang ako sa dati na nagmamasid masid na lang.