Monday, February 13, 2012

Hala uy! Hindi na ako eto. Ibang tao na ako :(

Palagi ko na lang ba pagbibigyan sarili ko? Pota. Asan na yung pagkontrol ko sa sarili ko. Simula nang makapagtapos ako, at nang nakaranas ako ng laya, hala eto naman akong bira na lang ng bira. Hindi na ako marunong magisip bago gawin ang isang bagay. Fuck this impulsiveness.

Teka ang sakit ng puson ko..

Sabi nila wag ka daw magdedesisyon kapag may sakit kang nararamdaman. Katulad na lang ngayon, napagdesisyunan kong ikwento si Mr. swave kahit na dapat naman talaga hindi ko ito kekangang gawin.

Anong nangyare? Wala naman. Kaya isang buong buwan akong hindi nagblog kahit na madami na akong oras para gawin 'to dahil may iba akong pinagkakaabalahan. Oo yung lalake ko. Tae! Ako na ang magaling! Akalin mo yun? Nagawa ko talaga yun? Well. Hindi naman kataka-taka.. nasa dugo ko na ang pagiging malandi. Kaso duuhhh! Maling mali e! Mali talaga! Gusto kong pupukin sarili ko. Eto na yung karma. Ang sakit talaga ng puson ko.

Tsaka na ako magkekwento tungkol kay Mr. Swave.. ang sakit lang kasi talaga

Pero eto hint: buti na lang may kunsensya ako. Mahal ko nga talaga yung chicks ko sa Singapore.