MAGANDA DIN KAYA AKO!
natapakan ego ko dun ah! tangina!
Matapos lang talaga tong boards na ito. Magpapaganda ako ng bongga.
Wednesday, June 15, 2011
PAPASA NA AKO
Ngayon mejo mejo confident na akong makakapasa, kasi alam ko sa sarili ko na kahit papaano may ALAM ako. Kahit papaano, may mga masasagot ako sa mga pwedeng itanong sa akin sa boards. Nakatulong nga din siguro yung pagalis ni BOSS papuntang Singapore, at eto ako naiwan niya sa Pilipinas, nangungulila para sa kanya, at eto nga, para mejo malimutan yung kalungkutan ko, nagaral na lang ako to divert my attention, which is a super win-win for me.
Kaso nga lang, mejo sabihin na lang natin na nasanay na nga ako ng tuluyan na wala siya. As in parang wala lang. Parang katulad lang nang dati na single ako. Ganon na ganon, pero syempre nawala na yung kalandian.
Hindi ko na din kasi masabi na miss na miss ko na siya, lalo pa't may nakuha na nga siyang trabaho sa Singapore, maybe this is what you call 'Acceptance'. Tsaka kahit na anong frustrated man ang maramdaman ko sa hindi namin pagsasama physically, wala din naman akong magagawa e. Alam ko din naman na hindi niya ako bibiguin, confident din akong hindi niya ako dudurugin into tiny pieces. :) Kasing confident ko sa pagpasa ko sa boards.
Ngayon ang kelangan ko na lang paghirapan e ang mataas na grade. :) Ok na sa aking ang 85 :))
Subscribe to:
Posts (Atom)