Monday, September 26, 2011

Ang hirap magtrabaho! Hohohoho!

Ang tagal ko nang hindi nagboblog. Ganun pa din naman kasi ang kwento ng buhay ko... Boring. Kahit naman kelan wala namang kakatuwa o kakaaliw sa akin. Aside sa wala na nga akong pera. Wala pa akong matinong nagagawa ngayon na naging registered nurse na ako. So ano pa nga ba ang magagawa ko?

GIVE MEH SOMETHING TO DO BEYBEH! yung productive please!!!

So here's the plan. Within this coming month of October eto ang dapat kong mga gawin.

-Makapagtraining ng IVT
-Maayos ang passport
-Magipon ng atlis 5k.

Magawa ko naman to please! please! please!
Kelangan ko nang matuto ulit magtipid katulad ng dati. Ayoko na ng masyadong gastos. Kaso ang dami dami ko ding gustong gawin at bilhin.

-Magpakulay ng buhok
-Bumili ng dalawang shoes (isang running at isang vans)
-Bumili ng bagong gym bag
-Bumili ng gymboss (Jimboy daw sabi ni Daep)

Thursday, September 22, 2011

RN NA AKO BEYBEH!

PUMASA AKO AKALAIN MO YUN.

At wag ka.. alam mo yung hiniling ko dati na sana line of 8 ang makuha kong grade?

Eksaktong 80.00 ang nakuha ko.

THANK YOU PO! :D

Saturday, September 10, 2011

Maswerte ako

Napakaswerte.

Isipin mo na lang. nagkatrabaho ako agad pagkatapos na pagkatpos ng board exam namen. Nakapasa, at eto ako ngayon Registered Nurse na.

May boypren sa ibang bansa, na sigurado ako sa sarili ko na hindi ako lolokohin. (dahil patay na patay sa akin. hihi :D) *pag nabasa mo to BOSS-- i love you*

May mga mangilan-ngilan na kaibigan.

Nagagawa ko gusto kong gawin, at may pera akong makukuha tuwing dadating ang 15 at 30 ng buwan.

Kaso kulang ata? ewan ko ba.. pero dapat matuto akong makuntento. Thank you na lang po :)