Sunday, March 25, 2012

Pritong Manok

Naiiyak ako dahil pinahiya ko nanaman yung sarili ko. Daig ko pa ang natae sa salawal o kaya nadapa tapos nasubsob sa harap ng madaming tao. Actually.. mas gusto ko pang mangyari yung dalawang yun sa akin, kesa sa ginawa kong pagtext sa kanya. Sabi ko na nga ba.. hindi ko magagwang gawin lahat ng pinagsasabi ko sa sarili ko.

Asan na yung pride ko? Putang inang pride yan.. ginagawa ko lang 'to kapag importante yung tao sa akin, putang ina... ganun na ba ako ka-attached sa kanya? O sadyang hindi ko lang matanggap na may mga ganung pangyayari sa buhay ko.

Dapat nga magpasalamat na lang ako sa ginagawa niyang "pagtulong".. kaso mas nahihirapan akong alisin siya sa isip ko. Parati na lang akong nakatingin sa phone ko na parang tanga lang.. patuloy kong iniisip na "Hah! Hindi ako kayang tiisin neto.. magtetext din 'to sa akin at magiging ok din kami." Pero hindi e. Hindi talaga.. ako pa ang hindi makatiis. Hahahaha! Naiinis ako sa sarili ko na natatawa. Kilala ko na sarili ko.. hindi ko kayang gawin yun, lalo na sa taong alam kong naging parte ng buhay ko.

Ang sarap awayin ng sarili ko ngayon. Ang sarap sabunutan.

Ang hirap din pala nung paparusahan yung sarili sa pamamagitan ng pagbabad sa gym tapos sobrang pinapagod yung sarili. Sinusubukan kong ilipat yung sakit na nararamdaman ng puso ko papunta sa buong katawan ko.. kasi mas gusto ko pang hindi makatayo dahil sa "delayed onset of muscle soreness" kesa sa nakakapaglakad nga ako pero ang bigat bigat naman sa pakiramdam yung pagiisip na.. kamusta na kaya siya.

Ba't ko ba kasi palaging nilalabanan mga nararamdaman ko. Palagi na lang ako nagiisip. Kung pwede lang magpakamatay para lang mawala na yung sakit na nararamdaman ko, ginawa ko na.. kaso hindi pa ako pwede mamatay. Kawawa naman yung mga lalake ko. Hahahaha! Baka mamiss nila ako.. tapos, sumunod pa sila sa akin sa impyerno.


Saturday, March 24, 2012

Freedom

I miss you. I really do miss you.. especially now that I'm seeing you happy, for I was the one who makes you smile before. I was also the one who gives you that ~kilig~ feeling, but now I was just a memory to you. I miss making your day.. I miss annoying you, make fun of you, our foodtrips, our "walks". I miss you being my listener, my savior, my lift when I'm feeling down, my inspiration..

I can't believe myself that I'm typing this while I'm crying.

I want to see you.. hug you, and if you'll allow me, I want to bite again your arm until my teeth will leave a mark. I want to tickle you, for I know where are those areas to attack that can give you a hard laugh. I want to sleep again beside you while you hug me, and I want to feel your lips.. kissing me as you wake me up.

I'm sorry.. for taking you for granted.

I'm sorry.. for not being true to you.

I fell inlove that's why I have to do those things to escape from my fears and confusions. I really don't want to hurt myself.. I'm selfish.. I don't want to take risk. I'm not that strong enough to do such decisions that I would not be able to figure out whether It'll be good or not. I thought that it will be a lot easier if I'll just drop you just like that.. not knowing that you are a bomb that I should be careful at handling since that moment when I say those words.. "walang sisihan". I was like a suicide bomber everytime I tell you that I miss someone when I'm with you.. and for the record, this will be the first time that I will tell you these, without that fucking disclaimer. I love you.

I was just afraid for I don't know reasons, that is why I'm always giving you the impression that I really don't like you, and I'm not going to love you. I always do those things that you don't want, like smoking.. I curse, I act like a bitch, I share stories bragging about myself.. it wasn't the real me most of the times.. but you tolerated it and what I really felt during those moments being with you is so surreal and I'm missing it so much right now.

But then, I should stop this. You must be happy now, and I'm happy for you too :) I was just sad that I'm not the one now who makes your day. And yes.. I'm saying it again... though you will never say those words to me. I hope that you can find that girl that will give you the courage to say the words. I love you.

Thursday, March 22, 2012

My Dearest self

Please.. tama na.

Panindigan mo yan.

Huwag kang magalala.. lilipas din yan, tapos parang yung mga dating pagsubok na hinaharap mo.. bigla mo na lang mararamdaman na ok ka na.

Osige.. isang linggo. After neto, wala kang gagawin na may kinalaman sa kanya.. wala kang sisilipin na kung ano ano. Kapag nagawa mo yun at hindi ka padin ok. Sige.. pagbibigyan ulit kita sa gusto mo..

Yun e kung gusto pa niya :( kaso... Mukhang hindi na e. So.. win win padin ako. Haha!

Nagmamahal,

Conscience
Nakaramdam ako ng selos dun ha. Para akong batang inagawan ng laruan, kaso alam ko kasing hindi akin yung lsruan na yun, kaya wala akong karapatang maghurumentado. Isa pa.. nagdesisyon na ako, kaya tama na.. tigilan mo na.

Pero takte! Ba't ako nagseselos :(

Sunday, March 18, 2012

Kumpisal

Alam mo kung ano yung masama? Hindi na tumatalab sa akin yung bulong ng kunsensya ko. Patuloy ko lang ginagawa yung kung anuman ang mali at hindi ko na inisip kung ano ba dapat ang tamang gawin. Kung tutuusin, alam na alam ko sa sarili ko kung sino nga ba talaga ang gusto ko. At kung tatanungin mo ako kung ba't ako nagpapatuloy sa ginagawa kong kagaguhan. Isa lang ang masasagot ko jan.

Naglilibang lang ako.

Kahit ako naawa sa kanya, ilang beses ko nang sinubukang pigilan ang mga pangyayari.. alam ko yun sa sarili ko na gusto ko talagang alisin yung kung anuman ang merong pagtingin niya para sa akin, pero hindi talaga e. Kaya ang ginawa ko.. hinayaan ko na lang.. hanggang sa maramdaman kong hindi na ako sinisira ng mga kuro kuro ko na patungkol sa maaring mangyari kapag itinigil ko na ang lahat.

Alam mo kung ano ang hindi ko matanggap? Nagagawa ko nang magsinungaling kay Boss.. sirang sira nayung tiwala niya na ibinigay sa akin once na malaman niya 'to.. at patuloy kong dadalhin itonh guilt na 'to hanggang hindi ko nasasabi sa kanya.

Eto nanaman ako. Gusto ko nang tapusin kung anuman ang kagaguhan na ito. Malala na e.. pakiramdam ko sa sarili ko.. ang dumi dumi ko.

Ayoko nang magsalita ng tapos. Pero gagawin ko na talaga ang lahat para makalabas sa gusot na 'to..

Isa lang ang masasabi ko. Mahal ko nga talaga si Boss..

Thursday, March 15, 2012

Welcome to the world of UNEMPLOYMENT

Hooray! Nakalayas na din ako sa wakas dun sa timba na puno ng talangka.

First time kong magiging unemployed after 8 long months nang matapos kong makapagtake ng board exam. Malaking bagay din ang naitulong sa akin nun, hindi lang financially. Mas napatibay pa yung tiwala ko sa sarili ko at mas naging matalino ako kahit papaano sa kung paano ba ang takbo ng buhay sa labas ng eskwelahan.

Masyado ko na kasi isinilid yung buhay ko noon sa pagiging estudyante. Na ang tanging alam ko lang gawin e magbasa ng libro, magaral, makinig sa mga profs, magsulat ng notes, at gawin ang lahat ng makakaya makapasa lang, kahit pa na ang means lang e ang mangopya.

Ganun lang ang struggle ko noon. Ibang iba na ngayon.

Pero namimiss ko na talaga yung natuto ako :( kaya kelangan ko na talagang umalis doon. Dahil pakiramdam ko habang tumatagala ko doon, nagaaksaya ako ng oras.

Yak! Tao na talaga ako :( Nafifieel ko na yung sinasabi nila na "unti unti ka nang kinakain ng lipunan"

Crisis ito! CRISIS!

Sana lang talaga tama yung pinagdedesisyon ko. Ginusto ko 'to.. and again. As what I have always said to myself.

Walang sisihan. Panindigan mo yan.

KAYA MO YAN :)

Thursday, March 1, 2012

Full time girlfriend

Palagi na lang ba ako maglilimos ng oras mo.

Palagi na lang ba ako ang dapat magadjust para lang makapagusap naman tayo.

Palagi na lang ba ako ang dapat umintindi sa pagiging busy mo

Palagi na lang ba ako ang kelangan magpasensya

Palagi na lang ba ako ang dapat magpatawad

Namove nga pala yung training ko sa Lung Center.. sa March 19 na lang daw (Thank Ghaaad!) Tapos effective ang pagresign ko sa March 16.. eksakto after nung sweldo. Ang utak ko talaga! Hoho!

E kung magresign na din kaya ako sa kanya?

Kaso mahal ko talaga siya e :(

So parang pagtitiis kong makisalamuha sa ibang tao dito sa pinagtatrabahuan ko, tiis tiis na lang din sa kanya.. ganun talaga e. Ginusto ko 'to.. walang bibitaw, walang aayaw.