BITIN.
onti na lang e. onting onti na lang. matatapos ko na yung apat na taon ko sa college, kaso biglang may umeeksenang prof ang nagpaalanganin sa mga grades ko kasama pa ng halos 30 kong mga kaklase.
Imagine! out of about 45 students sa section namen, 19 lang ang pumasa?! dafuq diba?
So eto na nga, removals ko bukas. madami ang aaralin. kaso eto ako ngayon nakaharap sa computer at gumagawa ng random rants ko sa buhay estudyante ko.
PAPASA AKO!
kelangan ko ng matinding optimism at matinding lakas ng tiwala sa Diyos na binibigyan niya lang ako ng mga patikim niya ng pagmamahal sa akin. Nagpapapansin nanaman siguro siya kasi hindi ko siya laging kinakausap.
BRO NAMAN O! sorry na. bati na tayo. wag ka na magtampo. bigay mo na sa akin to. pati ang mataas na rating this coming July board exams, pwede na sa akin ang 88. haha!
Grabe talaga kahapon. nagkakandakumahog kami sa pagtapos ng mga prc forms, tapos bigla naming malalaman na ang dami pala sa amin ang alanganin. ang daming magreremovals. Naiyak ako nun ng tatlong beses.
Una nung nalaman ko yung pagkakasama ko sa removals
Pangalawa nung pinipeptalk ako ng mga kaibigan ko, na yung iba sa kanila e kasama din sa removals
At huli nung kasama ko si Bossing.
Magakasama kami nung umaga bago ko malaman yung resulta, naghiwalay kami, akala ko nga hindi na kami magkikita ulit nung araw na yun, pero sa sobrang lungkot ko at kailangan ko ng isang leading man na magcocomfort sa akin. Sinamahan niya ako.
Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa mga support people ko. I LOVE THEM TO BITS AND PIECES.
Lalong lalo na yung leading man ko :D
ETO NA! ARAL NA! GO! GO! GO!
Wednesday, March 23, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)