Friday, January 28, 2011

farewell, dear fatherland' clime th sun caress'd

Ba't ba mga minor subjects nagpapaimportante?


- e dapat kaya nagfofocus na kame para sa compre namen
- e dapat kaya nagaaral na lang kami para sa boards
- e dapat kaya inihahanda na lang namin sarili namin para sa grad ball
- e dapat kaya nagpapaganda o nagpapasexy na lang kami at ibinababad ang sarili sa gym
- e dapat kaya mamatay na ang mga prof ng minor subjects na epal kung magparequirements
- e joke lang po yung huli konf sinabi
- e tangina ang hirap magmemorize ng mi ultimo adios
- e kung pagawan ko kaya siya ng last farewell niya?
- e joke lang ulit yon. hahaha!

Tuesday, January 25, 2011

Pwede na ba akong kiligin?

... yan na lang yung nasabi ko nung matapos yung kinse minutos na pamamalagi niya kasama namin, nakaalis na siya nun sa may pizza hut nung nasabi ko yan. Suot suot yung sing sing na binigay niya bilang regalo habang hawak ko naman yung pink rose na bigay niya.

Kasi ganito yun. Kasama ng mga barkada ko (which is pito kami) tsaka mga bitbit nila (yung iba isa, tapos si posh dalawa yung kasama) e kakain sa pizza hut, pizza party lang yun na may kasamang videoke sa huli ang plano, e dahil sa location namen na pinagvideokehan namen e pwede palang uminom, kaya napainom na din kami, habang yung iba naglalaro ng baraha...

Review pa lang nalulungkot na ako kasi kinagabihan, nakausap ko na siya ng ala-una, hindi pa ako binati ni BOSS.. e January 23 na nun.. tapos kinabukasan.. katext ko lang siya, pero hindi niya ako binabati... may pinoproblema pa siya nung mga oras na katext ko siya, kaya hindi ko na kinulit si BOSS na gumawa sana siya ng paraan para pumunta sa pizza party ko.

Review.. review.. silip sa phone (walang text), nagbukas ng fb, sinagot yung mga nagreet...

ayun. natapos na yung review, na ang alam ko hindi talaga siya pupunta..

naghintayan kami ng iba pang sasama sa party sa may arcade...

Tapos nung nasa pizza hut na kami, naglabas si JC ng baraha, habang hinihintay namin yung mga inorder na pizza.. nang biglang sabi ni Krysnah.. "wait lang ha, may pupuntahan lang ako sa Mcdo"..

After few minutes. may isa pa palang isinama si Krysnah sa party.. si BOSS..

Hindi naman na kasi ako nagexpect na pupunta siya, para hindi ako malungkot nung araw na yon, malay ko bang gagawa pala talaga siya ng paraan para pumunta sa party ko, kahit sumaglit lang siya sa trabaho..

Natutuwa talaga ako.

Kumain kami. tapos umalis din siya.. then after naming kumain, dumiretso kami dun sa pagvivideoke-han namen.. umorder ng dalawang tower ng beer, kumanta, naglaro ng baraha..

Nagbalak umuwi lahat ng maaga, kasi may kanya kanyang pasok din yung iba kinaumagahan.

At ang bonus? Sinundo niya ako. tamang tama kasi. Out niya sa trabaho..

Espesyal yung araw ko na yun... mas ginawa niyang extra special.

Ang saya.. Mahal ko talaga siya :D

Sunday, January 23, 2011

happy birthday to me!

Maging mahirap man ako bukas. Dala dala ko naman ang kayamanan ng magagandang memorya at karanasan kasama ang aking mga kaibigan at ng nagiisa kong mahal na si BOSS.

Details to be followed.

Naantok na ako. may pasok pa bukas. HAAAY...



ANG SAYA!

Thursday, January 20, 2011

UNO ka pa ha!

Well. what if?

Kapag yung tinuturing mong friend e may gusto sa isang lalaki na gusto mo din tapos dahil kaibigan mo siya nagpaubaya ka. pero ang sabi niya. wag na lang kasi wala naman siyang masyadong interes sa lalakeng yon.

Then bigla mong malalaman na may nangyayari pala sa kanilang dalawa. KABABALAGHAN TALAGA!

E. Nanliligaw sayo yung lalake. Tapos eto ka't kwento ka ng kwento sa kaibigan mo, tapos late mo nang malalaman na may lihim pala itong ikinikimkim na selos sa'yo. Dahil nga sa nalalaman niya mula sa'yo na may gusto sa'yo yung lalake na kinahuhumalinga niya.

ALAM NA!

TANG INA MO SUPERMAN!

Wednesday, January 19, 2011

Hindi ka pupunta sa birthday ko ha. pwes. hindi mo ako makikita. bahala ka. you and your busy sched! TSE!

Hindi na muna ako magpapakita sa kanya. simula today... hanggang sa birthday ko.

Sunday, January 16, 2011

the UNINVITED

Nagpaplano kasi ako ng birthday party. Kaya nag gm ako sa tropa. At si Krysnah ang gumawa ng message

What: pizza party/ party party!
When: januray 23, 2011
Where: Pizza hut (*insert place*)/ smf

You can bring your plus one :) thats why Im bringing juan. Haha! Para fun fun fun!

See you :)

***** at nagreply ang isa*****

Sama si *insert name of BOSS*? haha. Ayos.

*****

Ay yan ang hindi ko alam sa kanya. Ikaw sino dadalhin mo?

*****

Pepe ko. haha. Wala nang iba. E sino sasama mo?

*****

D ko pa na alam e., kung hindi siya edi wala, Nkklungkot nga e., magdala ka, kahit sino.. WAG LANG SI *insert name of frenemy (in all caps)* :) (ayaw ko talaga siyang isama, ayaw ko na sanang sabihin ito, pero dahil sa onting bulong ng isang kaibigan. ginawa ko na din. haha!)

*****

Bakit?

*****

Sos! haha! (si krysnah ang nagtext neto! hahaha! hindi ko alam sasabihin ko e)

*****

OK. E hindi naman sya epal kaya hindi talaga sya sasama.

*****

Natawa na lang ako.. kasi kanina paguwi ko, nabalitaan ko na narinig nila na nagmumura si frenemy, e kasi naman itong nagreply sa akin, pinakita pa sa kanya yung text ko. ayan tuloy. nagalit, kasi uninvited. hahahahaha!!!!

Saturday, January 15, 2011

Hoy! TIBO!

Kelangan ko ng bagong environment. Tangina kasi, ngayon nagsisisi na ako kung bakit kita sinama sa teritoryo ko, hinayaan kitang magkalat ng lagim doon sa lugar ko.

Lalo na ngayon na may kakampi ka na, ang lakas na ng loob mong kalabanin ako, tangina mo. Backstabber ka.

Hindi lang kita maaway kasi tinuring kitang kaibigan. Simula ngayon. Kaaway na kita.

PUNYETA KA!

Wednesday, January 12, 2011

Shawarma sa Lagro

SETTING: LAGRO
BIDA: syempre AKO
LEADING MAN: natural si BOSS
STARRING: Krysnah, Jen, Trishie

mga kaganapan....

-nagpunta kami sa lagro ni krysnah at trishie sa may internet shop sa may Lagro para magpascan ng pictures, at nagpaplanong magshawarma after
-nagtext ako kay BOSS at nagpaalam na hindi ako makakapunta sa work place niya kasi nga nasa Lagro ako with friends
-nagdecide si BOSS na puntahan niya ako sa break time niya
-natapos kaming magpascan, nagjeep kaming tatlo papuntang trimo
-hinintay namin si jen tsaka si BOSS, bumili na ako ng food ni BOSS
-dumating na si jen
-dumating si BOSS
-kumain
-binilang ni trishie yung mga horses sa may painting, 8 lang yung nabilang niya, dapat 9 kasi
-kumain
-binilang ni trishie ulit yung horses, baka kasi dumating na yung pang 9, pero 8 padin
-kumain
-binilang ni trishie ulit, ganon pa din
-tapos nang kumain ang lahat
-umalis si BOSS para hindi malate
-nagkwentuhan
-umalis si jen at si trishie
-naiwan si krysnah at ang bida na si AKO
-nagkwentuhan
-nagkwentuhan
-nagsiuwian

THE END

Walang mang sense ang kwento kong ito, pero may sense ang mga kwentuhan namin, makapagbagabag damdamin.. ulitin natin.. makapagbagabag damdamin, isa pa! makapagbagabag damdamin.. yung mabilis!!! makapagbagabag damdamin.

reality check.

Bakit ba hindi ako marunong mangaway?

Tuesday, January 11, 2011

Hindi lahat ng pranka ay may kredibilidad

Sabi nila pag may sama ka ng loob sa isang tao, gumawa ka ng letter sa kanya. Tapos wag mong ibibgay. Ang siste? Atlis nailabas mo galit mo sa taong yun, hindi ka pa nakasakit ng damdamin.

**********
Dear Charot Pampam Co (frenemy)

Alam mo? Sa totoo lang pranka kang tao. Oo may mga katotohanan yung mga sinasabi mo, epal ako... naalala ko lang noon, may kausap kang tao, tapos napadaan ako sa inyo kasi may hinahanap ako. E tinanong ko yung kausap mo kung nakita ba niya yung taong hinahanap ko. Sorry ha. Hindi ko sinasadya na kaya kong kunin ang atensyon ng kausap mo. Eto naman, sandali ko lang nainterrupt yung paguusap niyo. Pasensya na.

Totoo din pala na inggitera ako, naiinggit ako sa tuwing may lakad kayo tapos ako hindi kasama, kasi may parents ako na naga-guide sa akin, may mga pagkakataon na pinagbabawalan nila ako., tapos yung sa ibang bagay na ginagaya ko? nagkataon lang siguro. Pati yung sa kung ano meron yung iba gusto ko din? Sumama pala akong bumili sa inyo ng isang bagay na ginagamit na pangkain kasi bigla akong nagka idea na pwede palang ipanregalo yun. Hindi ko naman gagamitin yun e. Kung inggitera ako, edi sana ginagamit ko. Malay ko bang mamasamain mo yun?

Hindi ako sigurado pero madalas nga siguro na nagbebaby talk ako, pero pacute? ano ba! hahaha! nakakatawa ka naman e. Ako pacute? Hindi ko kelangan magpacute. maganda kaya ako. E Ikaw? hindi porket pumayat na ang isang tao maganda na siya. Pero wala akong sinasabing panget ka, may maganda din naman sa panlabas mong anyo kaso nga lang mas panget padin talaga ugali mo.

Tsaka yung sa pabida/pasikat. Hindi totoo yun. Ayaw ko nga ng napapansin sa totoo lang. Hindi ko na kelangan ng atensyon. Baka nafifeel mo lang na pabida at pasikat ako, kasi yun ang talagang tingin mo sa akin -- bida at sikat. Pero hindi totoo yun. Dun ka nagkamali. Ikaw nga itong sikat at bida e. Naiisip mo lang kasi na nasasapawan kita kaya ganon. Sorry ha.. pero sige. Ikaw lang ang bida, ikaw lang ang sikat. Hindi ko kelangan maging ganon.

Bakit kaya hindi mo kayang sabihin sa akin lahat nang yan ng harapan? Diba pranka ka? Ano bang kinatatakot mo? E sa ibang tao wala kang takot na magsabi ng 'ulol' kapag kinakausap ka ng maayos e. Tapos ako binabackstab mo lang? Ano ba yan.. Dapat ako din. Para fair, barahin mo din kasi ako. Try mo. Subukan mong gawin at bahala na ang kamao ko ang kumausap sa'yo.

Ayaw ko sa ugali mo. Lalong lalo na sa pagiging pranka mo sa hindi tamang lugar, pati na din sa mga pambabara mo, ayos lang na sa aming mga ka-edad mo ginagawa yun. Kaso pati sa mga matatanda, na halos kasing edad na ng mga magulang mo o tita mo.. oo close mo sila, pero matuto kang rumespeto, mas matanda sila.

Wag kang magalala, wala akong galit sayo.. Dahil ang galit e hindi ko pinaparamdam sa mga taong wala namang pakeelam sa damdamin ko. Sama ng loob pwede pa. Ang ganda ng pakikisama ko sa'yo tapos may mga madidinig akong ganito mula sa iba.

I pity you, i was in your situation before. May attitude problem din ako and i'm still on the process of finding the best version of myself. Sana ikaw din. Magbago ka for the better. Paano na lang pag nagtrabaho ka na? Panigurado may magcocomplain kang katrabaho, dahil ayaw ka nilang kasama nang dahil jan sa panget na ugali mo. Sounds familiar? Alam ko ang kwento mo. Madami talaga may ayaw sa ugali mo.

isang mahigpit at malagkit na oXoX,
PV

Inggetera ka!

tapos gaya gaya.

ano pa nga ba? basta.. madami. epal, pabida, pasikat, mahilig magbaby talk, pacute...

Ang dami naman niyang sinasabi sa akin. Kawawa naman pala ako.

Mas kawawa siya kasi hindi niya magawang masabi sa akin nang harap harapan. Wala siyang ibang magawa kundi sabihin sa ibang tao dahil hanggang ganon lang siya. At ano ang mas kawawa? Yung mga pinagsasabihan niya nun, ayaw din sa kanya.

Sige na ikaw na lang.

Lagi naman e...

Ang plano kasi manonood ng Gulliver's travel, e hindi pwede kasi nga may pupuntahan siyang importanteng lakad at magiging alanganin sa oras, kaya nga lunch na lang sana daw, tutal day off naman niya, pero kelangan pa din niyang pumasok sa trabaho kasi may kailangan siyang gawin.

E after ng mga dapat niyang gawin sa work biglang sinabihan siyang wag na muna siya mag off ngayon. Ayun! Sugat.

Gusto kong magreklamo sa kanya. pero hindi na lang. dito ko na lang sasabihin na hindi ako makaramdam masyado ng effort galing sa kanya.

yun lang.

Gulliver's travel

Ang daya...

Ang dami kong plano na hindi natutuloy dahil sa kanya., sa sobrang kabusyhan niya, hindi niya magawang makasama sa mga lakad na plano ko, tulad na lang ngayon, dapat papaexperience ko sa kanya ang manood ng 3d, kaso dahil sa hectic sched niya hindi matutuloy, lunch na lang daw sabi niya.

Ako nga kaya kong hindi pumasok sa isang subject sa school para sa kanya, pero siya, di niya magawang hindi pumasok sa trabaho kahit na day off naman talaga niya ngayon.

Sunday, January 9, 2011

I love school! SUPER!

namiss ko yung busy ako at pinapatakbo ang utak, though may times na nakakatamad talaga, masaya pa din kasi may natututunan ako (ya! i know, it sounds so grade 3 but itz trooo) tapos aside pa dun i found time to be with my girlfriends, like yesterday, im with krysnah, jen, and thea nagkaroon kami ng short girl talk sessions at karaoke galore.

so.. mga 14 days to go before the end of my last teen year. yak! hindi na ako pwedeng umarteng bata because im twenteen.. Im planning to have a pizza party just like last year, kasama sila and they can bring a plus 1. syempre ang pinagbago nga lang etong year na 'to, may plus 1 akong bitbit.hehe! I wish pwede siya nun that day.

At dun sa taong binabakstab ako? na itatago na lang natin sa pangalang frenemy... ayun. napagalaman ko na madami dami din pala ang ayaw sa ugali niyang yun. nakahanap ng kakampi ang inyong lingkod bahahaha! pero i dont want revenge, but i want her to teach some lesson, pero siguro hindi na lang din. kebs ko ba. she's not my friend anyway.

Friday, January 7, 2011

card game + yosi + gatas + friends

Mas gusto ko talagang may pasok. syempre, aside sa may pera ako, e nakakasalamuha ko yung mga totoo kong kaibigan, hindi yung mga plastik kong frenemies...

Edi kanina, ako ang headnurse sa group namen, hindi naman masyadong toxic kaya ayos lang, maaga kami pinauwi pero mga 12 na ako nakadating ng bahay.

Nagpusoy dos kasi ako kasama ang mga kaibigan and a new found friend, na may kasabay na onting yosi (lagot tayo kay BOSS neto) tawanan with matching talk shitan sa paglalaro, tsaka gatas.. oo gatas.. haha! Alaska fresh milk ang shinoshot namen.

I super love my friends.. we do silly things, and we really enjoy it a lot!

Thursday, January 6, 2011

MANTRA

Tapos na ang maliligayang araw. pasukan nanaman. YES! I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.I love being busy. I love being busy. I love being busy.

Wednesday, January 5, 2011

Bakasyo...


BITIN!



Maipapasa ko yung boards, at mataas ang makukuha kong resulta

Kelangan ko nang magseryoso. Hindi na pwede ang too much petiks.

Game?
GAME!

Tuesday, January 4, 2011

pakyu hormones

Dahilan kapag napapablog ako ng madalas

-may problema ako
-bored
-mood swings

hala! hala! hala!

Hindi pa daw nakakapag-move on ang bf mo sa kanyang ex kung:

- He compares the two of you (kahit pa na pabor sa'yo)
- Madalas nababanggit si ex kapag about sa babae ang pinaguusapan niyo
- He mocks about his ex, kapag napaguusapan siya

Kaya minsan kahit na hindi ako dapat magselos nagseselos ako e.

2011 Plans

So...

As a graduating student this year and a future bum professional, i have to make plans for myself. Nasa isip ko na siya, but i have to put it into draft, then next year if I'm still blogging, I'll do a reality check kung nagawa ko ba ang pinagsasabi ko dito.

Here's the list:

- Be a graduate ng BS Nursing.
- Makapasa ng boards, take the oath, and be a licensed nurse
- Makapagtrain sa following hospitals at sana SANA TALAGA dun ako magtrabaho*
List according to the most preferred job environment
  • Manila Children's Hospital
  • Veteran's Hospital
  • Lung Center of the Philippines
- Makapagtake ng Special Education course (part-time)*
- Matutong magdrive (sana with my own car)
- Makapagipon ng 50,000

Nakakaexcite na nakakakaba. Parang ang hirap kasing i-imagine na magagawa ko yang mga yan, lalong lalo na those in the list marked with "*".

But whatever it takes! I have to endure my upcoming mature life.

BRING IT ON 2011!

Monday, January 3, 2011

Ang takaw talaga niya, gusto niya daw ng isang buong tasty. Kaso kinulang ako sa gamit.


At last! I'm done with my pizzas, sobra sobra kaya yung ginawa ko in exchange of him letting me to make their house as my library. Kaya ang sobra ay nagkakahalaga ng 30 (mas mahal pa daw sa pizzahut sabi niya) e hindi naman niya kasi ako pinapatapos. Ang sabi ko 30.. ang ibig kong sabihin e 30 kisses hindi 30 pesos. sos! e pabor pa nga sa kanya yun kung tutuusin. may pizza na nga siya, makakakuha pa siya ng kiss galing sakin. hahaha!

Kapag ako pumasa ng boards magpapasiomai party ako.

Napagalaman ko lang naman kasi na sa 2nd and 3rd day of July na ang board exams. wtfomg. the excitement is not into my veins yet, i hope that i can find time to scan the nclex reviewer my BOSS gave me. huuuu! :(

Tsaka mamaya pupunta ako sa kanila, doon ako magrereview.. sana! mas gusto ko kasi sa bahay nila, tahimik, at walang maingay at magugulong 'rents. hah! extension ng bahay ko talaga bahay nila. and opkors, may bayad ang pagstay ko dun, ang pamamalagi ko dun ay may kapalit which is katawan ko yung pizza na gawa ko.

But what's really bothering me is yung palapit na palapit na board exams. Gahd! just imagining the lines that i have to endure during the qualification process. prc. prc. prc. and the reviews :(
Sana makayanan ko. PATIENCE PLES?

Sunday, January 2, 2011

patabaing baboy. iw!

Hindi ako ngayon nagpunta ng gym sa hindi ko malaman na dahilan. Dito lang ako sa bahay, buong araw na nakatapat sa computer simula kaninang umaga, nagayos ng html codes, nagtingin tingin ng facebook, tapos ayun...

Nagdadalawang isip pa nga ako kung gusto ko ba talagang lumabas ng bahay ngayon e, yak! I'm so unproductive today :(

Ghad! html codes :(

Im really back into blogging. Changed my layout. and yes! Nanibago ako dun bigla sa mga codes. and tagal ko nang hindi gumagawa ng layouts. fuck you html codes!

I MISS MY LONG HAIR

Ayan kasi! may pagupit-gupit-kesyo-new-look-daw-ang-gusto-drama pa netong last year, ano ka ngayon panget! huuuu! :(---- at eto ako ngayon inaaway ang sarili.

Naalala ko lang kasi kanina, tinawag ako ni Kuya Roy (yung nagbabakla baklaang PT dun sa gym na malaki ang katawan) na "SQUARE LOSER" daw ako, ang reklamo ko kasi kanina sa pinagagawa sa akin kaya tinawag akong loser. taena, sige na.. ako na loser. but i'm not a quitter. Tapos tinawag niya akong square kasi yun ang korte daw ng katawan ko! leche. tanginang cakes at kung ano ano pang masasarap na pagkain ang pinaglalamon ko netong mga okasyones! So ayun. nagdrama ang lola niyo, nilait ang sarili, naghanap ng flaws lalo sa katawan, at ayun.. namiss ko nga ang mahaba ang buhok.

Basta ang alam ko, kaya ako nagpagupit nun e insignia ko yun to let go of immaturity pag nagkaboyfriend na ako. E ayun nga kasi. Si BOSS dumating sa buhay ko. Ayan! nagpagupit tuloy ako.

HUUUUU!!! hindi na ako magpapagupit for the rest of my life..

trim trim na lang siguro ng bangs noh?

At hindi ako SQUARE! spongebob? lintek na yan. SEXY AKO! sexy-- with curves!

Saturday, January 1, 2011

Ganito na ako ngayon mag-blog. hokei pokei!

O edi ganito. Bale tuwing Monday to Wednesday ang schedule ko sa school e lecture days, tapos Thursday to Saturday duty days naman, then Sundays are audit (review para sa boards). Today is 1-1-11.. ooh! ang cool ng date, well eniweiz, ayun nga start of classes ay sa 3 na, yun e para sa mga section na ang duty e magstart ng Monday.. GOOD JOB LADIES AND GENTS! Kasi kung hindi pa duty nang Monday edi bakasyon pa! Ang start ng class na e sa Thursday na.. YAHOO!!! I love my section. Sa 6 pa pasok namen.

So i still have my time to be with my BOSS sa mga nalalabing araw ng aming holiday vacay. And yes! I still have my time to go to the gym and let the pounds get of my waist before the classes starts.

Ang dami ko kasing kinain this holiday season, lalo na kagabi, ang sarap kasi ng pasta na niluto ko kahapon for media noche. and the best part is.. kanina, nagpadala si BOSS ng food sa akin kasi wala siyang baon sa work, ayun, dinalhan ko siya nung natirang pizza made out of tasty bread na ginawa ko din para handa namin kagabi. Nagustuhan niya (kiligzzz) ahihihi! Yun lang naman ang gusto kong mangyari e, ang magustuhan niya yung mga works ko with lurvveeee...