Monday, June 23, 2014

Putang inang post

Hindi ko siya kayang iwanan na lang ng ganun na lang.

Natatakot ako na baka kapag ginawa ko yun, mangyari ang kinakatakot kong maging tama ang lahat ng inaalala ko.

May apat na pwedeng mangyari e.

Una, masanay ako. Masanay ako na ganyan ang turingan nila, habang ako masasanay na ganyan sila kalapit sa isa't isa. Kung tutuusin, nakakagulat lang kung gaano kalalim ang paguusap nilang dalawa. Mga kwentuhan tungkol sa mga pangarap nila at hinaharap. Nalulungkot ako, dahil dati, ako ang kausap niya sa ganung bagay, bigay na ako nga ang kanyang kasintahan. Hindi ko lang lubos maisip at hindi ko matanggap, na ngayon, dalawa na kami. Dalawa na kaming nakakausap niya ng ganun, at ang mas malala pa dun, dahil abala akong tao, at silang dalawa, hagdan lang ang pagitan nila sa trabaho. Mas nagkakausap sila at mas madalas magkasama.

Pangalawa, magsawa siya. Magsawa siya sa kakareklamo ko, at kaka-guilt trip ko sa kanya. Mangilang beses na din kami nag-iyakan dahil sa problemang ito. Hindi ko masabi kung sa akin ba, o sa kanya ang problema. Basta ako, matagal ko nang binanggit sa kanya na nagseselos ako, pero wala naman akong naramdamang ginawa niya para mawala yung pagseselos ko, pinagsasama niya kami, pero dahil naging malapit na ako sa babaeng yon, mas naging malapit sila.

Baka dumating lang yung panahon na manawa na siya sa akin. Hiwalayan na niya ako, mas piliin niya yung isa, tutal mas nakakausap naman niya yun at mas nakakasama. At sakalk mang dumating ang panahon na yun. Sana... mayaman na ako, para may pang-shopping at may pambili ako ng maraming pagkain.

Pangatlo, ako ang magsawa. Ayoko na. Tipong, hindi ko na kayang tiisin yung selos, makikipaghiwalat na ako. Kaso malabong mangyari e, ilang beses kong sinubukan, kaso di ko kinakaya. Mahal ko e. Tang ina.

Panghuli, .alaman niya kung ano ang pinanggagalingan ko. Baka sakali namang may mali talaga sa kung ano ang meron sila. Baka sakaling pwedeng magsawa na siya sa paguusap nila nung babae, malaman niyang hindi niya dapat sa akin ito pinaparamdam. Parang halos araw araw, pakiramdam ko, dinadaya niya ako sa relasyon namin, lalo pa't alam kong lagi silang magkasama.


Alam kong madami siyang kaibigang babae. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng selos sa isa. Hindi ko alam. Iba e. Iba ito. Ito yung babae na alam kong pag pinakawalan ko si mokong, niligawan siya, alam ko... Ramdam ko... Magiging sila.