Wednesday, June 30, 2010

Isang open letter para sa lalakeng hindi ko dapat landiin dahil sa isang napakabigat na rason

Hayaan niyo muna akong magdrama.

~~*****~~

Superman.

Hindi ko alam kung alam mong may gusto/ like/pagnanasa/etc. ako sayo. Hindi din ako sigurado kung mababasa mo ito, pero alam ko namang alam mo na sa isang sulok ng internet ay may ganito akong lugar.



Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Kelangan ko nang idistansya ang sarili ko sayo. Sa dahilang ayokong makasira ng magandang relasyong pangkaibigan sa pagitan ko at ng babae mong gusto.



Hindi naman ito pangpermanente, dadating ang panahon na makakalapit ako sa'yo at makikipagbiruan muli tulad ng dati, pero sa pagkakataon nga lang na 'yon wala na akong nararamdaman para sa'yo na magiging dahilan ng muli kong pagkahumaling sa'yo. Hihintayin ko lang na mawala 'tong nararamdaman ko.


PV

Ang emo ko.

Pakamatay na ako?

Peram ng nailcutter plez? Gusto ko yung nangangalawang.

Maglalaslas lang ako saglit.

Saturday, June 26, 2010

I'm UHGLEE

Alam ko na ang hirap maging maganda. Ano kaya ang feeling kapag pangit?

Nakakairita!

Nahawa na ata ako sa mga pasyente namen sa pinagdudutyhan nameng mental homecare, ang sarap kasing magkulong ngayon sa bahay at humagulgol sa pagiyak. Pero dahil wala sa personalidad ko ang mga nasabing gawain e eto at gumagawa ako ng mga kabaliwan.

Itago na lang natin siya sa pangalang Superman
***

Bawal ba ang magselos?

Oo. napakaselosa kong tao, kahit na alam ko naman sa simula't sapul e wala akong karapatang makaramdam ng ganoon. UNA- wala naman kaming relasyon, friends lang kami at hanggang ngayon e hindi ko alam kung may pagasa pa bang umusbong ang pagkakaibigan namen, para kasing sa aming dalawa ako lang ang nagiisip ng ganon, ako lang ang nagiisip ng kamalisyahan. IKALAWA- ang pinagseselosan ko e ang mismong kaibigan ko din, wala din silang relasyon, pero ang sweet kasi nila, kawawa naman ako.IKATLO- sa tuwing magkasama kami, yung kaibigan ko ang pinaguusapan namin-- palagi yun, ako naman etong si kwento lang at sagot sa mga katanungan niya pero deep inside *pwede ba na ang pagusapan natin e ang tungkol naman sa ating dalawa?*, hindi man pansin pero nahahalata ko na may gusto na yata siya sa kaibigan ko.

Ang sakit kasi sa balun-balunan.

In all fairness nasabi ko iyon sa kaibigan ko, ang good news? wala siyang nararamdaman para kay superman. ang bad news? walang gusto sa akin si superman. Ni minsan hindi niya sa akin naiparamdam na espesyal ako.

Hindi ako yung tipo na nagpapa-cute sa kanya, at hindi din ako nagpapapansin--- hindi na kailangan non.

Sumpa na nga talagang maitatawag ito sa mga birheng tulad ko na minsan ay may pagkakataon na mararamdaman mong pangit ka.. Yung may gusto sa akin, ayaw ko, Ang gusto ko--ayaw sa akin. Pakiningshitness--ANG DRAMA!

Wednesday, June 23, 2010

Jabar - always open

Hindi ako nalalasing

Malamang kasi hindi naman ako manginginom, pero dahil nga sa kakaibang set of friends ko noong nagcollege na ako, doon ko natutunan ang ilang mga bisyo tulad ng yosi at eto nga ang paginom. Pero hindi ibig sabihin na kesyo natuto akong tumikim ng mapait na inumin ay isa na akong tumadora.

Beer ang unang uri ng alkohol na nalasahan ko, noon hindi mawari sa isipan ko kung ano ba ang meron sa beer at gustong gusto ito ng mga kabataan, kesyo nakakawala daw ng problema, e ang pait pait naman ng lasa. Dalawa lang naman ang dahilan ko pag napapainom ako : may problema o may nag-aya. Sa kabutihang palad may kalahating taon na akong walang problema, ang masama marami ang nagaaya. May mga pagkakataon na tumatanggi ako, pakipot! pero para saan pa? Kelangan ituloy ang ikot ng baso at inumin ang tagay ko.

Mabait ako noong nasa highschool ako, inaaya ako ng mga kabarkada ko sa mga inuman pero ako naman itong pilit na humihindi sa pandedemonyo nila. Nang tumuntong ako ng kolehiyo nabuhay muli ang mga demonyong ito sa katauhan naman ng mga kaklase ko. Minsan nang nagkaproblema ako sa pag-ibig pinagbigyan ko ang sarili ko. Hala sige inom! Unti unti, kahit na mapait sa bawat pagtikim ko, nagugustuhan ko yung init na gumuguhit sa lalamunan ko. Hanggang sa masanay na ako sa lasa at magsimula nang mamanhid na ang mga paa ko. Doon ko na natutunan ang mga lessons in life as a certified drinker, kapag nahilo wag daw maging malikot at wag yuyuko kung ayaw mong magamoy suka paguwi.

Pero sa unang pagtikim ko, naranasan ko ang sumamba sa inodoro, habang tumatawag ng uwak.

Sa pagkakataong ito, gusto ko uminom. yung apple o kaya strawberry flavor, ayoko na kasi ng beer nakakalaki ng tyan.

Ang dahilan? -Problema. Halos katulad ng dahilan noong una kong tikim ng alkohol- pag-ibig

Alam kong hindi ako makakalimot pero gusto ko lang maramdaman ulit ang pagmanhid ng katawan ko.

Yung tipong kulang na lang e gumapang ako para makauwi.

Mhen! heartbroken ako!

Friday, June 4, 2010

Magkakajowa din ako sa takdang panahon

Hold your horses! may ibabalita ako!...

Lumalandi ako guys!

May bago ba dun? ahahaha!

Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa lalakeng yon, at sinusigurado kong lalake siya, kung paano ko nasiguradong siya ay lalake nasa sa inyo nang imahinasyon yon kung paano ko ito ginawa. Pero pramis, hindi ko siya tinikman! haha! nilasahan lang! ahahaha! loljk

Hindi siya kagwapuhan na tamang tama lang para sa panlasa ko, tama na ang pagkahumaling ko sa mga gwapo, ang hirap nilang imaintain girl! nakakaloka! At higit sa lahat hindi siya committed sa kahit anong relasyon, malapit sa pamilya, at may trabahong marangal... pwedeng gawing atm card! ahahaha!

Hindi siya yung tipo ng lalake na makikipagtaasan ng ihi sa akin kung magkataon mang maging kami, yun e kung sasagutin niya ako, yun e kung mararamdaman niyang nanliligaw ako, yun e kung hindi ako isang torpedo na hanggang ngayon e wala pading ginagawa para malaman niyang nagbibigay ako ng motibo para sa kanya.

Madalas pag nagkakausap kami lagi niya akong tinatanong kung kumain na ba ako, hindi ko tuloy alam kung talaga bang concern siya sa akin o talagang mukha lang akong patay gutom kaya lagi niya akong tinatanong kung may nalamon na ba ako o hinde, ang sweet noh?

Siguro sa ngayon, kelangan ko munang makuntento na magkaibigan kami, plain friends at walang malisya, pinagnanasahan ko man siya pero sa akin na lang yon, balang araw dadating ang panahon na siya na ang maglalaway sa kagandahan kong taglay.

Malapit na ang panahon at magiging graduate na ako, isang taon na lang, at magagawa ko na ang lahat ng gusto kong gawin ayon sa usapan namin ng ama kong napakaistrikto. Tama lang ang mga araw na iyon para mas kilalanin ko pa siya. Sana hindi siya tulad ng mga lalakeng nagpaiyak sa akin. mga leche sila! ahahaha!

Bitter much?

Hindi naman masyadow!