Sunday, March 25, 2012

Pritong Manok

Naiiyak ako dahil pinahiya ko nanaman yung sarili ko. Daig ko pa ang natae sa salawal o kaya nadapa tapos nasubsob sa harap ng madaming tao. Actually.. mas gusto ko pang mangyari yung dalawang yun sa akin, kesa sa ginawa kong pagtext sa kanya. Sabi ko na nga ba.. hindi ko magagwang gawin lahat ng pinagsasabi ko sa sarili ko.

Asan na yung pride ko? Putang inang pride yan.. ginagawa ko lang 'to kapag importante yung tao sa akin, putang ina... ganun na ba ako ka-attached sa kanya? O sadyang hindi ko lang matanggap na may mga ganung pangyayari sa buhay ko.

Dapat nga magpasalamat na lang ako sa ginagawa niyang "pagtulong".. kaso mas nahihirapan akong alisin siya sa isip ko. Parati na lang akong nakatingin sa phone ko na parang tanga lang.. patuloy kong iniisip na "Hah! Hindi ako kayang tiisin neto.. magtetext din 'to sa akin at magiging ok din kami." Pero hindi e. Hindi talaga.. ako pa ang hindi makatiis. Hahahaha! Naiinis ako sa sarili ko na natatawa. Kilala ko na sarili ko.. hindi ko kayang gawin yun, lalo na sa taong alam kong naging parte ng buhay ko.

Ang sarap awayin ng sarili ko ngayon. Ang sarap sabunutan.

Ang hirap din pala nung paparusahan yung sarili sa pamamagitan ng pagbabad sa gym tapos sobrang pinapagod yung sarili. Sinusubukan kong ilipat yung sakit na nararamdaman ng puso ko papunta sa buong katawan ko.. kasi mas gusto ko pang hindi makatayo dahil sa "delayed onset of muscle soreness" kesa sa nakakapaglakad nga ako pero ang bigat bigat naman sa pakiramdam yung pagiisip na.. kamusta na kaya siya.

Ba't ko ba kasi palaging nilalabanan mga nararamdaman ko. Palagi na lang ako nagiisip. Kung pwede lang magpakamatay para lang mawala na yung sakit na nararamdaman ko, ginawa ko na.. kaso hindi pa ako pwede mamatay. Kawawa naman yung mga lalake ko. Hahahaha! Baka mamiss nila ako.. tapos, sumunod pa sila sa akin sa impyerno.