Friday, December 30, 2011

Inlove ako dun kay boss

Sino bang magaakala na yung mga plano plano lang dati na gusto ko siyang puntahan e matutupad, na kahit wala akong passport, gumawa talaga ng paraan ang mga angels ko para mangyari yung hiling ko.

Nakauwi na nga pala ako. Andito na ako ulit Pilipinas. Parang ang pakiramdam ko, nanaginip lang ako ng isang buong linggo na kasama ko siya. Para lang akong natulog, at boom! eto na, gising nanaman ako.

Namimiss ko na akap niya :(

Yung lulutuan ko siya, hihintayin umuwi, sabay na kakain, sabay matutulog, magigising na siya ang katabi, gigisingin siya sa umaga sa pamamagitan ng paglambing at halik. haaay.. :(

Mahal na mahal ko nga talaga siya.