Pagkakita ko sa kanya, parang gusto kong ma-iyak pero pinigilan ko, kasi kasama niyang nagsundo sa akin yung tropa niya dito sa Singapore. Ang sarap sa pakiramdam kasama ko na siya ulit after 8 long months na hindi kami nagkikita. Naakap at nahahalikan ko na ulit siya. And this time, pagsisilbihan ko talaga siya, kahit na minsan e may palya nga lang.
Eto namang si mr. Swave panay ang himutok at labas ng sama ng loob sa mga status niya sa twitter. Wa pakels lang dapat, pero mejo apektado ako. Parang gusto ko siyang kumprontahin, pero wag na lang. Iniisip ko kasi na dadating din yung panahon na mawawala yung pagtingin na meron siya sakin.
Sa ngayon masaya ako na kasama ko si Boss. Masayang masaya talaga. Kahit na hindi ko siya bente kwatro oras na nakakasama ngayon na andito ako. Ayos lang. Mas ok na ako ngayon na nakikita ko na kung paano ang buhay niya dito. Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano yung mga bagay na nagpapa-busy sa kanya. Na pati ako e nawawalang bahala niya.
Mahal na mahal ko nga talaga tong lalakeng to.
Para nanaman akong naiiyak. Na sa tuwing naiisip ko na ilang araw lang nga pala ako magsstay dito. Hindi ko nanaman siya makakasama ng matagal na panahon.
Haaaay.. :( Kapag eto nalagpasan namin. Magiging ok din kami.
Smile na :)