Ayan kasi! may pagupit-gupit-kesyo-new-look-daw-ang-gusto-drama pa netong last year, ano ka ngayon panget! huuuu! :(---- at eto ako ngayon inaaway ang sarili.
Naalala ko lang kasi kanina, tinawag ako ni Kuya Roy (yung nagbabakla baklaang PT dun sa gym na malaki ang katawan) na "SQUARE LOSER" daw ako, ang reklamo ko kasi kanina sa pinagagawa sa akin kaya tinawag akong loser. taena, sige na.. ako na loser. but i'm not a quitter. Tapos tinawag niya akong square kasi yun ang korte daw ng katawan ko! leche. tanginang cakes at kung ano ano pang masasarap na pagkain ang pinaglalamon ko netong mga okasyones! So ayun. nagdrama ang lola niyo, nilait ang sarili, naghanap ng flaws lalo sa katawan, at ayun.. namiss ko nga ang mahaba ang buhok.
Basta ang alam ko, kaya ako nagpagupit nun e insignia ko yun to let go of immaturity pag nagkaboyfriend na ako. E ayun nga kasi. Si BOSS dumating sa buhay ko. Ayan! nagpagupit tuloy ako.
HUUUUU!!! hindi na ako magpapagupit for the rest of my life..
trim trim na lang siguro ng bangs noh?
At hindi ako SQUARE! spongebob? lintek na yan. SEXY AKO! sexy-- with curves!