Tuesday, January 11, 2011

Hindi lahat ng pranka ay may kredibilidad

Sabi nila pag may sama ka ng loob sa isang tao, gumawa ka ng letter sa kanya. Tapos wag mong ibibgay. Ang siste? Atlis nailabas mo galit mo sa taong yun, hindi ka pa nakasakit ng damdamin.

**********
Dear Charot Pampam Co (frenemy)

Alam mo? Sa totoo lang pranka kang tao. Oo may mga katotohanan yung mga sinasabi mo, epal ako... naalala ko lang noon, may kausap kang tao, tapos napadaan ako sa inyo kasi may hinahanap ako. E tinanong ko yung kausap mo kung nakita ba niya yung taong hinahanap ko. Sorry ha. Hindi ko sinasadya na kaya kong kunin ang atensyon ng kausap mo. Eto naman, sandali ko lang nainterrupt yung paguusap niyo. Pasensya na.

Totoo din pala na inggitera ako, naiinggit ako sa tuwing may lakad kayo tapos ako hindi kasama, kasi may parents ako na naga-guide sa akin, may mga pagkakataon na pinagbabawalan nila ako., tapos yung sa ibang bagay na ginagaya ko? nagkataon lang siguro. Pati yung sa kung ano meron yung iba gusto ko din? Sumama pala akong bumili sa inyo ng isang bagay na ginagamit na pangkain kasi bigla akong nagka idea na pwede palang ipanregalo yun. Hindi ko naman gagamitin yun e. Kung inggitera ako, edi sana ginagamit ko. Malay ko bang mamasamain mo yun?

Hindi ako sigurado pero madalas nga siguro na nagbebaby talk ako, pero pacute? ano ba! hahaha! nakakatawa ka naman e. Ako pacute? Hindi ko kelangan magpacute. maganda kaya ako. E Ikaw? hindi porket pumayat na ang isang tao maganda na siya. Pero wala akong sinasabing panget ka, may maganda din naman sa panlabas mong anyo kaso nga lang mas panget padin talaga ugali mo.

Tsaka yung sa pabida/pasikat. Hindi totoo yun. Ayaw ko nga ng napapansin sa totoo lang. Hindi ko na kelangan ng atensyon. Baka nafifeel mo lang na pabida at pasikat ako, kasi yun ang talagang tingin mo sa akin -- bida at sikat. Pero hindi totoo yun. Dun ka nagkamali. Ikaw nga itong sikat at bida e. Naiisip mo lang kasi na nasasapawan kita kaya ganon. Sorry ha.. pero sige. Ikaw lang ang bida, ikaw lang ang sikat. Hindi ko kelangan maging ganon.

Bakit kaya hindi mo kayang sabihin sa akin lahat nang yan ng harapan? Diba pranka ka? Ano bang kinatatakot mo? E sa ibang tao wala kang takot na magsabi ng 'ulol' kapag kinakausap ka ng maayos e. Tapos ako binabackstab mo lang? Ano ba yan.. Dapat ako din. Para fair, barahin mo din kasi ako. Try mo. Subukan mong gawin at bahala na ang kamao ko ang kumausap sa'yo.

Ayaw ko sa ugali mo. Lalong lalo na sa pagiging pranka mo sa hindi tamang lugar, pati na din sa mga pambabara mo, ayos lang na sa aming mga ka-edad mo ginagawa yun. Kaso pati sa mga matatanda, na halos kasing edad na ng mga magulang mo o tita mo.. oo close mo sila, pero matuto kang rumespeto, mas matanda sila.

Wag kang magalala, wala akong galit sayo.. Dahil ang galit e hindi ko pinaparamdam sa mga taong wala namang pakeelam sa damdamin ko. Sama ng loob pwede pa. Ang ganda ng pakikisama ko sa'yo tapos may mga madidinig akong ganito mula sa iba.

I pity you, i was in your situation before. May attitude problem din ako and i'm still on the process of finding the best version of myself. Sana ikaw din. Magbago ka for the better. Paano na lang pag nagtrabaho ka na? Panigurado may magcocomplain kang katrabaho, dahil ayaw ka nilang kasama nang dahil jan sa panget na ugali mo. Sounds familiar? Alam ko ang kwento mo. Madami talaga may ayaw sa ugali mo.

isang mahigpit at malagkit na oXoX,
PV