Sunday, September 5, 2010

pfffft!

Teka lang, may iihihinga lang ako dito ng sama ng tiyan, kasi kung hindi ko ito maibubulalas, sasabog ako.

Bago ang lahat.. luma pa din ako, kaya wag na kayo!

Mali! erase that.. i should say, luma na siya ako ang bago.

Selosa pala ako ano?

Ngayon ko lang nalaman... seryoso.

Normal lang daw sa babae ang magselos, pero para sa akin, hindi normal ang pakiramdam na 'to, ni minsan hindi ako nakaramdam ng inggit sa kahit kanino pagdating sa pamilya dahil sa nagiisa lang akong anak, ni minsan hindi ako nakaramdam ng matinding selos sa aspeto ng pagkakaibigan dahil madami naman sila.

Pagdating sa dati niyang pagibig. Sa hindi ko malaman na dahilan e nakakaramdam ako ng ganito, nung una hindi ko alam kung anong pakiramdam ang meron ako. Tsaka ko na lang nalaman, nagseselos na pala ako.

Ang wirdo ano?

Nakaraan nga niya yon, pero ano naman ang laban ko sa tao na nakasama niya last two years na apat na taon ang haba, and take note! It's two years ago baby. Apat na taon ang tagal. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang tapatan yon e.

Anong laban ko?

E parang kelan lang naman kami.

Ang saklap.

Pwedeng mag-emo diba?

~~~ninuninuninuni.....~~~~~~

Kahit pa na sabihin niya sa akin ng libo libong beses na ako na.. ako na.. ako na.. ako na nga! Ang kulit.. ako na nga ang mahal niya. Hindi pa din niya matatanggal sa isip ko, na nagsisimula pa lang kami.

Sila naman, kahit na tapos na, alam kong may malaking puwang sa buhay niya ang nailaan niya para sa kanya, hindi ko mababago yon, wala akong karapatan. At 'yon ang ikinaseselos ko.

Para tuloy akong nawawalan selp konpidens na kaya kong matanggal ang pagkaselos ko na ito.

Tae ang emo ko! Ahahahaha!

HANEP! dramarama nanaman!

pfffffft!