Nakakapagbiro na ako tulad ng istilo ng pagbibiro mo. Sarcastic, may bahid ng onting kabastusan, makulit, pero kwela. Pinapakinggan ko na din ang mga uri ng kanta na pinapakinggan mo. Mas lalo ko na ding nakahiligan ang pagkain ng maanghang at maalat. Mas pursigido na ako ngayong magaral at magpapayat.
Hindi ako nagpaligaw sa iyo, hindi dahil sa hindi kita tipo pero dahil yon sa hindi pa ako handa, hindi mo nga ako niligawan pero sa hindi ko malaman na dahilan e sinagot kita, hindi ka pa nagtatanong alam mo na ang sagot ko.
Hindi bagay sa akin ang kiligin pero kinikilig ako sa tuwing magkasama tayo.
Hindi pa nga tayo pero may mga pagkakataon na nagkakatampuhan at nagkakaselosan tayo... ikaw sa mga nagkakagusto sa akin, ako sa iyong nakaraan na pagibig.
Sabi ko nga hindi pa ako handa.
Natatakot lang ako. Kasi madali akong magsawa. Sana..... Sana talaga., hindi ito tulad ng mga dati. Dahil kung hindi. Magkakamatayan tayo. Bahahaha!. joke lang.
Inlove lang ang gaga.