Minsan hindi ko alam kung kinikilig ba ako, o sadyang natutuwa lang ako sa mga kabutihan ng ibang tao at binibigyan ko ito ng malisya.
Nasabi ko na ba dati na madali akong magsawa?
Hindi pa?
Pwes ngayon alam mo na.
Madadaan mo ako sa simpleng paghatid- sundo, sa pagbibigay ng love letters at pagkain, sa mga libre at kung ano ano pang pwede mong gawin para mapakilig mo ako, pero dapat once lang, o kaya minsanan lang. Oo.. Ganyan ako kababaw, madali akong makaramdam ng kilig sa mga ganyang kasweet na bagay. Kaso madali lang din akong maumay
Ayokong dumating yung panahon na magsawa ako sa mga bagay na binibigay sa akin.
Bakit ba kasi hindi ako matuto na lang na maging kuntento?
Ang hirap tuloy. :(