Wednesday, July 7, 2010

Imba talaga ang tatay at nanay ko.

Ang hirap maging solong anak sa totoo lang. Kung iniisip ng iba na swerte ako dahil sa nasusunod lahat ng gusto ko, pwes! Ako ang isa sa mga patunay na hindi lahat ng solong anak ay swerte.

Bakit kapag nagpapaalam ka ng maayos hindi ka papayagan, pero pag nagsinungaling ka papayagan ka naman.

Tapos pag nalate ka ng uwi, at nalaman na nagsinungaling ka, ganito ang linya nila:

"MAGPAALAM KA NAMAN NG MAAYOS, PAPAYAGAN KA NAMAN NAMIN"

Tulad na lang netong nakaraang araw, naaya kasi ako sa birthday ng tropa ko noong highschool, natural inuman yon, dahil mga hayok sa alak ang mga yon e. Edi ako naman etong si magpapaalam kila mama at papa

Attempt 1. (Nakaharap si papa sa t.v. nanunuod ng basketball)

Ako: Papa birthday po ng highschool friend ko sa Friday. Pwede po ba akong pumunta?

Papa: DEADMA

RESULT: FAIL

Attempt 2. (Nasa rooftop si papa nagaayos ng kung ano ano, si mama nasa baba nagbabantay ng tindahan)

Ako: Pa, malelate po ako ng uwi sa Friday, after ko sa gym pupunta po ako sa birthday ni *insert friend's name here* pwede po ba?

Papa: Alam na ba yan ng mama mo? Tanungin mo muna siya kung papayagan ka niya.

*bumaba ako para kausapin si mama*

Ako: Ma, pwede po ba akong pumunta sa birthday ni *insert friend's name here* sa Friday? Mejo malelate po ako ng uwi

Mama: Ay anak, wag kang magpaalam sa akin, si papa muna kausapin mo.

Ayon, pinagpasa-pasahan lang ako ng mga magulang ko, walang gustong magsabi na pumapayag sila o hindi

RESULT: FAIL!

Attempt 3.

Ako: Papa, sa Friday po pala, birthday ni *insert friend's name here* pupunta po ako dun after ng school and gym, pero magpapakita lang ako, ibibigay ko lang yung gift ko sa kanya tapos uwi din po ako agad. Nakapagaral na po ako, nalabahan ko na yung mga kelangan kong labahan, nabayaran ko na din yung bills na pinapabayad niyo...... (in short, nageffort talaga ako para payagan ako)

Papa: Galing ka ng school and gym non? Pagod ka na non, wag ka nang pumunta.

Ako: E sige na papa, Dali na.

Papa: Tanungin mo mama mo kung payag siya.

Ako: E papa sasabihin lang ni mama din sa akin na sa'yo ako magpaalam e.

Papa: Sa kanya ka muna magpaalam, tapos paguusapan namin

Ang totoo, pag ganyan na ang eksena tuwing nagpapaalam ako sa tatay ko, yan ang lagi niyang linya sa akin. Tapos pagpapapasa-pasahan nanaman ako ng mga magulang ko.,hanggang sa hindi ko alam kung pinayagan na ba ako o hindi.

RESULT: FAIL ULET!

Attempt 4.
(Kumakain kami ni mama)

Mama: Anak, sa Friday birthday ng kaibigan mo diba? Hindi ka pala pinayan ng papa mo kaya wag kang pumunta.

Ako: Ay mama, hindi na po talaga ako pupunta, kasi po nagkaroon ng changes sa schedule, may duty po kami, 3pm to 11pm po yun.

Mama: A ganun ba, sige sasabihin ko na lang sa papa mo.

RESULT: SUCCESSFUL (kelangan pa talagang magsinungaling para lang payagan!)

Eto na, to cut the long story short, pumunta ako sa birthday ng tropa ko na naka-uniform! Nakastockings na white at naka-white shoes, para akong pumunta ng costume party, at ang costume ko e nurse. Paguwi ko nang bahay. Parang walang nangyari.

Ibang klase.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ganito ang sitwasyon ko sa bahay. Pero ayos lang naman, Mahal ko padin ang mga magulang ko kahit na minsan ang hirap nilang intindihin.

Ang hirap magpalaki ng magulang.