**********
Ngayon ay dakila akong filingera..Alam kong may nagmamahal at concern sa akin at feeling ko madami sila, at oo feeling ko isa ka sa kanila. Ako naman, lalagyan ko ng malisya, iisipin ko na may gusto ka, tumingin ka lang sa akin, pakiramdam ko may tinatago kang pagnanasa. Ganon kadumi ang utak ko, assumera din kasi ako. Kaya pakiramdam ko, lahat ng wala e meron, at ang meron e meron talaga.
Ayokong isiksik ang sarili ko sa lugar na alam kong hindi ako kasya, dahil wala akong espasyo para doon. Ayokong sabihing maganda ako kasi ang redundant na masyado, ayokong sabihing matalino ako, baka isipin mong mayabang ako.
Pero dahil gusto kong magfeeling, sasabihin ko lahat yan.
Gusto kong isiksik ang sarili ko sa isang lugar na wala nang natitirang space dahil alam kong kasya ako--seksi ako e!, maganda ako at iniisip kong nagagandahan ka sakin, matalino ako at napapamangha kita.
Wala namang masama sa pagbuhat ng sariling bangko, ang sarap sa pakiramdam na ipagmayabang mo ang sarili mo, kahit na minsan nabibigatan na ako sa pagbubuhat at nangangawit. Pero keri padin, keber ba nila, sarili ko to.
Feeling ko naman totoo ang sinasabi ko at feeling ko naniniwala ka.
Filingero ka din? apir tayo!
**********
Ano ang apilyedo ni Agatha?
ANO?!
Edi.. FEELING..
Agatha Feeling.. oooh!.. that tonight's gonna be a good night! that tonight's gonna be a good night! that tonight's gonna be a good good naaaayt!
**********
I know i'm korni. ahahaha. because i'm bored again like this.