Im back pala ha?!
Isang taon na at halos limang buwan na din ang nakalipas nang huli akong gumawa ng post sa blog kong ito,.
Kamusta ako? Same old peevee, ganon na ganon pa din ang ugali ko, immature at mahilig padin magmaganda, pero siyempre sa panahon na ito, mas sexy na ako, and yes! nag-gygym na ako mga friends!
yun e kung may friends pa akong napapadaan dito.
Imposible!
Kelangan kong maglinis nang mga nakakalat na dinosaur eggs dito sa blog ko, ang tagal na talaga ng panahon, at alam ko, nangangalawang na ako, tumagal ng limang minuto (oo binilang ko talaga!) bago ko masimulan etong lathalang ito sa dahilang hindi ako sigurado kung talagang gusto bang magpahayag ng mga feelings ang isang feelingerang katulad ko sa sulok ng inatarwebs na ito.
Nakakalungkot isipin na nawala na at tumigil na ata yung iba kong sinusubaybayan na blogs.
Hindi ko alam kung nasa tumblr ba sila o baka tuluyan na talagang nawala ang interes nila.
Ako kaya? magagawa ko kaya ulit bumalik?
Sana naman oo