Tuesday, March 3, 2009

Boolaga! EmBak!

Makakapag-net na din ako nang matagal tagal na oras sa ngayon.. hah! ano kayo ngayon mga huklubang professors? hindi niyo pwedeng tanggalin sa aking sistema ang pagiinternet, hindi niyo pwedeng sirain ang buhay ko sa pagpapagawa nang kung ano ano. Hindi niyo ako mapapaiyak dahil sa pressure na pinapataw niyo sa aming mga estudyante sa kakasubmit nang mga requirements. HINDING HINDI!

Kung ang lalake nga hindi iniiyakan, kayo pa kayang mga professors?

Tanginang mga requirements to oo! pagkadami dami.

Naisip ko. pano kaya no? kung magkaboypren ako? siguro lagi kaming nagaaway dahil sa sobrang kabusyhan ko. sa sobrang dami nang ginagawa ko... parang ano, yung kay Laida and Miggy.. teka? kilala mo ba sila? Hindi? Kung ganon kawawa ka naman hindi mo pa napapanood ang You Changed My Life.. ahahahaha! at garabe kinilig talaga ako. ahihihihi!

O sige na. may mga 500 ml na kasi ata ang kinakarga nang bladder ko. kanina pa ako nagpipigil e