Ang hindi ko maintindihan sa mga tao e kung bakit nila ipipilit isiksik ang sarili nila sa isang lugar, bagay, sulok na hindi naman sila magkakasya, walang nakalaang espasyo para sa kanila pero ipagpipilitan padin nila ang kanilang sarili kahit na ipit na ipit na sila sa kanilang sitwasyon.
Mahirap magtago sa cabinet; kung bakit ba kasi pagkadamot damot nang mga pinsan ko at ayaw nila ipamahagi sakin yung yakisoba nila. kelangan ko pa tuloy magtago para hindi nila makaburaot yung niluto ko, pag ako may dalang pagkain kala mo kung sino silang makakuha nang hindi man lang nanghihingi. pero pag ako naman ang manghihingi parang ginto kung ipagdamot nila.