Ang dami kong hindi maintindihan o siguro dapat kong sabihin ang dami kong hindi alam. pilit kong aalamin kaso kulang naman ako sa oras para gugulin ko sa kakahanap nang mga detalye sa mga gusto kong matutunan. mas madami pa akong oras na sinasayang kakaisip nang mga numerong itataya ko sa lotto. madalas kasi nalalagay ako sa sitwasyon na hindi ko alam kung paano aaktong tama. parang mali kasi na gagawa ka nang reaksyon na hindi akma sa mga pangyayari. para kang nanonood nang melodramatik na palabas pero tumatawa ka, o kaya horror naman pero nalilibugan ka. parang ganon. ewan. ang dumi na ata nang utak ko? punong puno na kasi nang mga impormasyon na patungkol sa mga bacteria.. MICROBIOLOGY IS KhuRAYZIee...
Kelangan ko na atang magpakonsulta bukas ora mismo! papatingin ako kay doktor kwek kwek para masiguradong wala akong sira. ang hirap kasi nang self medication. para kasing hindi na umeepekto sa akin ang sangkatutak na caffeine dulot nang kape na iniinom ko three to five times a day hindi na ata kasi ako marunong kabahan. hindi ba hindi? hindi na oo? o baka oo na hindi na maaring pwede ding hindi pwede?
"Gusto kitang ligawan kaso alam ko namang ayaw mo e"
"Gusto ko kaya! sige na! ligawan mo na ako"
"Walang biro, gusto kitang ligawan. kaso takot ako sayo"
"ligaw your face!"
"Seryoso ako"
"..."
"Wala ka bang sasabihin?"
"..."
"Nagalit ka? O sorry na.. gusto ko lang namang malaman mo, baka makalusot. kalimutan mo na lang na sinabi ko yun"
"..."
"Ayaw mo talagang magsalita? hahalikan kita"
Hindi ko talaga alam kung ano ang sumanib sa akin para mawala ang pagiging madaldalin ko. napatameme na lang ako sa mga pinagsasabi niya. kumabog ang dibdib ko. hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. parang lahat nang dugo ko nagpause sa pagdaloy sa mga veins ko. lahat nang bagay sa paligid nagslowmo. kinakabahan ako. hahalikan daw niya kasi ako
ang linya ko: "wait. i'll pray first"
AHAHAHAHA!
natawa na lang siya sa reaksyon ko. sabay tapik sa balikat ko.
"kaya ayaw kitang ligawan e. mas masarap kang maging kaibigan"
Gusto ko lang naman malaman kung pinagtitripan lang ba niya ako o seryoso siya. tae kasi e. bakit ganon? hindi ako girlfriend material? hanggang friend lang?
HOY MGA LALAKE! ANG HIRAP NIYONG INTINDIHIN!