friend: punta ka ha?
ako: uhh.. hindi ako pwede e.
friend: bakit?
ako: ahmm.. alis kami sa saturday e
friend: eh.. sige na punta ka na, sama mo sila tita
ako: hindi talga pwede pupunta kami baguio may aayusin kasi sa lupa lupa cheverloo
friend: gawa ka nang paraan
ako: o sige sige
invited ako sa sa debut nang kaibigan ko. actually isa siya sa mga close friend
ko. or maybe i should say an ex-close friend. basta isang mahabang kwento. you
know, may mga relasyon talaga na nasisira nang dahil sa chismisan, maging ok
man kayo at magkabati meron at meron pading wall na mabubuo sa pagitan niyong
dalawa. boundary. ang dating magkaclose sa isa't isa e magkakaroon na nang
lamat ang pagkakaibigan. ewan ko lang. sayang yung friendship pero ganun talaga
hindi naman talaga ako aalis sa sabado. gumawa lang ako nang kwento dahil sa
ayoko naman talagang pumunta. gusto ko din naman dahil sa marami din akong
kaibigan ang makikita doon kaso nga lang hindi ko kayang makipagplastikan sa
mga ibang taong naging dahilan nang pagaway namin noon, na hanggang ngayon e
kaibigan padin niya at nakikipagplastikan padin sa kanya. minsan ko na siyang
sinabihan tungkol dun. pero ano? wala lang naman. nasaktan lang ako kasi mas
pinaniwalaan pa niya ang ibang tao kesa sa akin na kaibigan niya na
napakadaming taon. ako pa ang lumabas na masama.
ngayon para sa amin wala na ang nangyari nagkaayos na kaming dalawa pero ang
mga taong naging dahilan nang away namin na nagtagal nang kalahating taon e
parang wala lang at ngayon ay umaarteng walang pakeelam.
"ayoko kasing makipagplastikan"
simple lang namang sabihin diba? iyan sana ang isasagot ko nung tinanong niya
ako kung bakit hindi ako makakapunta sa kaarawan niya. kaso nahirapan ako? ewan ko ba. parang nagsisisi ako at nagsinungaling pa ako. ang sarap sabihin sana kaso may bumabagabag sa akin. hanggang ngayon hindi ako mapakali dahil sa sinagot ko. ang bigat sa loob.
naiiyak ako :(