Saturday, February 21, 2009

Cant eat and cry at the same time

Ang hirap kumain habang umiiyak, para kang nabibilaukan.. hindi mo naman malulunok ang isusubo mong pagkain kung ngumangawa ka diba? kaya dapat itigil mo ang isa, hindi mo kasi pwedeng pagsabayin ang dalawa

Kaya pag umiiyak ako mas gusto ko pang kumain para lang mapacify ko ang sarili ko.. pero hindi ko mapigilan e. tinigil ko talaga ang pagkain ko kahit na yung paborito ko pang ulam ang nakahain kanina. inuna ko muna talaga ang ngumawa.

Namumuntog na yung mata ko.

Ang masarap ngayong gawin pagkatapos umiyak.. e ang matulog

Mamaya na ako kakain.. mas nararamdaman ko ang antok kesa sa gutom e

Pagkatapos mamayang paggising ko. ok na ako diba diba?