Monday, February 16, 2009

isang linggong kaguluhan

Wasteday (wednesday)

araw kung kelan dapat nagaral ako pero hindi ko nagawa dahil sa katamaran. nanood lang ako nang dvd tsaka nagcomputer

Trashday (thursday)

Gusto kong itapon sa basurahan yung papel ko sa exam namin nang microbiology dahil walang masagot nang matino. oo nga at may sagot kasi multiple choice lang naman. pero ano ba ang silbi nang iniminiminymo? edi yun yung ginamit kong panghuhula. galing diba? pwede na ba akong pumwesto sa quiapo?

Fartday (friday)

exam day padin.. may LBM ako last week feeling ko nga hanggang ngayon meron. wala lang naman. utot ako nang utot habang nageexam buti na lang at hindi maingay pero sagabal naman yung amoy sa mga ibang nagtetake nang exams nye! nye! hahaha!

Sobday (saturday)

V-day. wala lang. sobday.

Shallowday (sunday)

araw nang kababawan. masaya na ako kakakain nang kung ano ano. happy peanuts na hindi naman nakakapagpasaya, dingdong na hindi ko naman malasahan si dingdong, fudgee bar na pinagdadamot pa sa akin ng pinsan kong si chie pero patago kong kinain, chocolates na binigay sa isa ko pang pinsan na si pj nung v-day, at cake. maraming maraming cake di ko alam kung kanino yun e. masaya na ako dahil sa pagkain-kababawan daw sabi ni kuya peewee.

Mournday (monday)

walang pasok. kasi exams pa nang ibang department sa school. dito lang ako sa bahay ngayon masaya sana kaso umiyak ako kasi nahulog ako sa hagdan, tangina ang tanga kasi ni chie nagiwan nang basahan sa may hagdan nadulas tuloy ako. :(

Tearsday (tuesday)

Bukas pa 'to alam ko namang iiyak lang din ako e. makikita ko na kasi yung results nang exams. alam na. predicted na e. pwede na akong manghuhula. ako na lang ang papalit sa pwesto ni madam auring sa ever gotesco. pahula ka ha?