"Anong balak mo sa Saturday?"
"Wala naman. bakit anong meron?"
"BWAHAHAHAHAHA!"
"What's funny?"
"Ibig sabihin loner ka sa valentines day?! Oh.. such a loser"
"..."
"Wala kang ka-date?"
"Wala.. e ano naman ngayon?"
----------
Pasalamat ka at kaibigan kita. kundi nasapak na kita.. akala mo wala akong balak? nasabi ko lang yun na wala kasi nga nakalimutan ko nga na valentines na sa saturday.. (at eto ako gumagawa nang excuse na meron naman talaga akong balak)
Ano nga bang balak ko?..
*sigh*
Ano bang meron sa Valentines?..
Lahat nang mga lovers nagsasama, sa mall, sa sinehan, sa park, sa kalsada, sa motel.. at sa kung saan pang lugar na pwede nilang magawa ang PDA.. Habang ang mga single naman e nagsesenti, nagluluksa, nageemo, naghihinagpis...at sa katulad ko na TAKEN.. e mas malala pa ang mga iyakan sessions..
Mas kawawa pa kaming mga taken kesa sa single sa totoo lang..
TAKEN for granted (awwts!)
Ganun padin naman ang mangyayari sa valentines.. tulad nang last year...
lahat nang tao sweet
mga lalake e may bitbit na flowers, bag na pambabae, at paperbag na bluemagic (sila ang nagdadala siyempre kasama nang syota nila)
mga motel at hotel fully-booked
sa gabi mga restaurant kala mo brownout kasi naka-candle light
Out of stock ang condoms
ako nasa bahay nagcocomputer nanonood nang random t.v. shows
----------
Ano nga ba talaga ang meron sa Valentines?
E kinabukasan nang 14 yang mga magsosyota e break na sa 15, yung mga sweet magiging sour, malalanta din naman ang mga bulaklak, pagsasawaan din naman ang teddy bear na regalo, mauubos ang chocolates, at marami ang manganganak nang bandang November.
E ano naman ngayon kung wala akong ka-date sa valentines? Wala namang batas na nagsasabi na kelangan sa araw na yon e may kalampungan ako, may kahalikan sa sulok.. isa pa, ayokong magdulot nang problema sa mundo.. yang mga valentines chuva na yan e nakakapagdagdag lang yan sa population naten.. kapag ba nakipagdate ako sa valentines e mabibigyan nang trabaho ang mga unemployed? Maaalis ang recession? Mapapabalik ang mga napauwing ofw sa dati nilang trabaho sa ibang bansa?
------------
"E ikaw? ano bang balak mo sa Saturday?"
"A ako? Lalabas kami ni honeybunchie my sweetie cupcake, kakain nang dinner, manonood nang movie ni KC and Richard.. at checheverloo.. you know na.. hehehe!"
"Hmmmmkei.. ninang ako ha"
----------
Kung sino man ang gusto akong maka-date magiwan lang nang message sa cbox ko. ahahahaha! joke lang yan. pero kung gusto mo akong pakiligin pwede na ang magpadala nang isang dosenang white roses, ferrero chocolate, at life size na teddy bear na nakalagay sa paperbag nang bluemagic. walang labis, walang kulang.. ay hindi pala, pwedeng lumabis nang bagong laptop at sasakyan. ahahahaha!