Sunday, January 25, 2009

Maalala mo kaya.. friendster style

Laos na ang friendster diba? Umaariba na ang facebook ngayon... hindi ko na nga binubuksan yung friendster account ko.. paminsan minsan na lang pag trip kong tignan yung horroscope ko.

Nagscan ako nang mga profiles kahapon nung mga "friends" ko.. ang dami kong nakita, ang daming nagbago.. ang dami ko ding reactions

tulad na lang ito:

----------
"Dati baby na baby ang face niya, aba?! ngayon may baby na siya"

"Eto yung nambubully sakin dati.. anong nangyari sa kanya? mukhang malnorish.. kinarma ata, bwahaha! belat!"

"ui! nasa states!"

"Ay? may anak na siya? walang asawa?"

"Aba.. etong dalawang 'to naging sila? e parang dati e aso't pusa sila ha? ngayon tao na.. ahahaha! joke lang inggit lang ako"

"Nagnursing din pala etong gagong 'to"

"Sino na nga ba ito?"

"Teka.. babae ba 'to o lalake? dati sir ang tawag namen sa kanya sa CAT, bat may boobs?"

"Dati hindi mo madifferentiate ang likod sa harap.. bah! ngayon may hinaharap na siya!"

"Eto yung may krass sa akin dati e.. bahahaha! ang loser naman niya, single padin siya.. e kung ligawan ko kaya siya? ahihihihi!"

"Ang gwapo padin niya hanggang ngayon"

"Noon ang taba taba niya, ngayon ang sexy na nya!"

"Crush ko to date kasi ang gwapo niya, bakit mukha siyang nag-crash? ahahaha!"

"Bum?.. e ang talino neto dati ha!"

"4th year.. highschool padin siya? anong nangyari?"
----------

Para akong sira sa harap nang computer kakabanggit nang mga yan, narealize ko ang dami na talagang nagbago.. ako.. dating maganda, lalong gumaganda.. ahahahaha!

Bigla kong namiss mga dati kong kaklase..

Kamusta na kaya sila?