Tuesday, January 20, 2009

sa sobrang taas, walang kayang makaabot.. sa sobrang baba.. parang wala na

Anong akala mo sa sarili mo?

God's gift to all women?

Center of the universe?

ANG KAPAL MO! OO! MAKAPAL KA!.. KASAMA PATI BILBIL MO!..

Kaso hindi ko naman magawang masabi sayo yan.. kasi.. ano.. kelangan ko ba talagang banggitin kung bakit?.. basta! alam mo na yon.. alam nyo na yun kung anuman yon.. yun na yun!


..........
Mapride akong tao.. kung pride ang paguusapan, marami ako nyan.. sa sobrang dami nito, wala nang makakatalo..

minsan naman sa sobrang baba.. parang wala na..

at ang minsan na yon ay nangyari dahil sa kanya..

..........

Hindi ko na makita kung ano ang mga pinagsasabi ko dito dahil sa nangingilid na luha sa mata ko.. para akong may nalulon na bola dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.. you know.. bola.. as in balls.. ahahaha!

ewan.

ewan.

ewan.

ngayon, ako na pinaglalaruan nang sarili kong joke.. hindi na ako nadala! ayoko nang makipagbiruan sa iba.. tapos bigla kong seseryosohin.. ang engot ko talaga!

"Uy ano? tayo na? tayo na ha?.."
"baka magsisi ka? sigurado ka?"
"hahaha! naniwala ka naman! joke lang yon shempre"
--pero sa loob loob ko.. oo sigurado ako, kaso ang chaka naman kung magiging tayo dahil sa biruan na gawa gawa ko.. woshooo! gusto mo din naman! ahihihi!

tae ang landi ko!.. ahahahaha!

pero di na kita kakausapin! leche ka! leche!