Kagalit ko ngayon aso namen..
Sabihin niyo nang weird na may kaaway akong aso, pero ganon talaga..
Akala ko nung una walang talent itong asong ito, tatahol lang pag nagugutom, o kaya pag gusto magpapansin at pumasok nang bahay.. nagkakalat kung saan saan, tapos pag hindi siya naligo at ang baho baho e biglang tatapat sa elektrikfan, bwisit diba?
Netong isang araw lang may napansin ako sa asong ito..
Sa una nagaalala ako sa kanya kasi kung ano ano ang pinapasak niya sa bibig, mga bagay na hindi naman kinakain nilalamon niya. baka kasi yun ang maging dahilan nang kamatayan niya.. pero hanggang ngayon eto nasa tabi ko siya, natutulog..
Kumakain kasi siya nang plastik *sana mga taong plastik na lang para may malaki itong pakinabang* minsan naman yung tsinelas na gawa sa fur akala ko nung una nginangatngat lang niya yun pala kinakain na! yung kahoy pinagkakadiskitahan din, sira sira na nga mga upuan pati yung pinto namen dahil sa habit niyang yan..
Pero di ko talaga matanggap na pati ba naman pera? (siyempre yung bills! walang gaguhan! anoba!) isang 200 peso bill, tsaka isang 50 peso bill din yun..
Magkakatalent na nga lang ganon pa.. sa susunod papakainin ko siya nang apoy.. maiba naman