Saturday, May 12, 2012
Nurse Peeveee
Ang sarap sa pakiramdam maging busy. Oo nga, wala nga akong sinusweldo dun sa training ko sa Lung Center, napupuyat, nagugutom, napapagod, nagkakasakit paminsan minsan.. pero gustong gusto ko yung ginagawa ko. Yung pakiramdam lang na pinasalamatan ka ng pasyente mo dahil inalagaan mo siya sa loob ng walong oras, isang malaking premyo na sa akin yun. Isama mo na pati yung pasasalamat ng kamag-anak ng namatayan sa pagiging matyaga sa kanila, kahit pa na mailang beses nila akong nasungitan noon. Fullfilling kumbaga.
Pagod man na umuuwi, masaya ako, ibang iba yung pakiramdam na nararamdaman ko kesa nung dating nagtatrabaho ako at sumusweldo na ang dapat ko lang gawin e ngumanga. Sana dati ko pa pala ginawan ng paraan na makapagtraining, edi sana yung anim na buwan kong tinagal dun sa dati kong trabaho.. naging makabuluhan.
Sa ngayon.. gusto ko muna namnamin yung pagod at hirap na nararamdaman ko ngayon. Ang dami kong natututunan.