Sunday, April 15, 2012

Self Pity

Sa dami ng gusto kong ibuntong hininga, baka maubusan ako, masuffocate bigla at mamatay ng tuluyan, naaawa naman ako sa mga kaaway ko, baka wala na silang mapagusapan kapag wala na ako sa buhay nila. Masyado akong nagugulat sa mga nalalaman nila tungkol sa akin.

*Flashback*

Wala naman talaga akong balak sumama sa munti nilang salo salo kahit na invited naman talaga ako, excuse ko na lang na galing ako sa bago kong trabaho, pagod ako at hindi ko na kayang lumangoy pa. Baka dumaan na lang siguro ako, pero sa loob loob ko.. hindi na lang siguro.

Ewan ko ba kung ano yung pumasok sa utak ko, at bago ako umuwi nun, dumaan ako para lang masabi na pumunta ako. Pagdating ko, andun sila.. hindi kumpleto, dahil wala ako tsaka yung isa pang palaging absent sa aming pito. Ako lang pala talaga ang wala..

Tawa tawa, langoy langoy, bulong bulong.. iisang tao lang yung kumausap sa akin, dalawa lang yung kumaway.

Tapos eto na.. nagusap kami. OPEN FORUM DAW.

Isa sa mga natutunan ko. Wag na wag na wag na akong papayag na mag-open forum kung alam ko lang naman na gigisahin ako.

Putang ina ko daw, leche daw ako, malandi daw ako.. wala akong kwenta. Hinayaan ko na lang silang sabihin lahat ng masasakit na salitang yon kasi daw constructive criticism ang iginigiit nilang ginagawa nila. Pero sa kaalaman ng lahat, gusto lang talaga nila akong pagmukhaing hindi naman talaga ako kasama sa grupo nila. Na hindi nila ako gusto, at ayaw nila sa akin. Sinubukan kong ipagtanggol sarili ko, pero puro hikbi tsaka luha lang naibulalas ko. Awang awa ako sa sarili ko.. gusto kong batukan sarili ko sa pagpilit na dumaan dun sa salo salo nila.

Walang problema

Ayaw ko na din sa kanila.

/Flashback

Tuwing naaalala ko yun. Gusto kong magpakamatay. Seryoso.