Wednesday, June 23, 2010

Jabar - always open

Hindi ako nalalasing

Malamang kasi hindi naman ako manginginom, pero dahil nga sa kakaibang set of friends ko noong nagcollege na ako, doon ko natutunan ang ilang mga bisyo tulad ng yosi at eto nga ang paginom. Pero hindi ibig sabihin na kesyo natuto akong tumikim ng mapait na inumin ay isa na akong tumadora.

Beer ang unang uri ng alkohol na nalasahan ko, noon hindi mawari sa isipan ko kung ano ba ang meron sa beer at gustong gusto ito ng mga kabataan, kesyo nakakawala daw ng problema, e ang pait pait naman ng lasa. Dalawa lang naman ang dahilan ko pag napapainom ako : may problema o may nag-aya. Sa kabutihang palad may kalahating taon na akong walang problema, ang masama marami ang nagaaya. May mga pagkakataon na tumatanggi ako, pakipot! pero para saan pa? Kelangan ituloy ang ikot ng baso at inumin ang tagay ko.

Mabait ako noong nasa highschool ako, inaaya ako ng mga kabarkada ko sa mga inuman pero ako naman itong pilit na humihindi sa pandedemonyo nila. Nang tumuntong ako ng kolehiyo nabuhay muli ang mga demonyong ito sa katauhan naman ng mga kaklase ko. Minsan nang nagkaproblema ako sa pag-ibig pinagbigyan ko ang sarili ko. Hala sige inom! Unti unti, kahit na mapait sa bawat pagtikim ko, nagugustuhan ko yung init na gumuguhit sa lalamunan ko. Hanggang sa masanay na ako sa lasa at magsimula nang mamanhid na ang mga paa ko. Doon ko na natutunan ang mga lessons in life as a certified drinker, kapag nahilo wag daw maging malikot at wag yuyuko kung ayaw mong magamoy suka paguwi.

Pero sa unang pagtikim ko, naranasan ko ang sumamba sa inodoro, habang tumatawag ng uwak.

Sa pagkakataong ito, gusto ko uminom. yung apple o kaya strawberry flavor, ayoko na kasi ng beer nakakalaki ng tyan.

Ang dahilan? -Problema. Halos katulad ng dahilan noong una kong tikim ng alkohol- pag-ibig

Alam kong hindi ako makakalimot pero gusto ko lang maramdaman ulit ang pagmanhid ng katawan ko.

Yung tipong kulang na lang e gumapang ako para makauwi.

Mhen! heartbroken ako!