Tuesday, February 4, 2014

Dapat kasi ikaw yun e.

Bang: Psssst... Uy!
PV: Ugh. Hi?
Bang: Kamusta ka na? :)
PV: Err.. ok lang naman. Same same.
Bang: Hehe. Alam ko :) halata naman e
PV: ...
B: E diba? Ganyan ka naman. May ugali kang gusto mong kinakausap ka ng tao, pero pagdating sa kamustahan hindi mo naman talaga alam kung anong dapat isagot?
PV: O? Tapos?
B: Magkwento ka naman.
PV: Well, ayun nga, ganun padin naman ako. May trabaho na ako as a nurse sa isang private hospital. Kaka-regular ko lang netong nakaraang mga linggo.
B: Yun lang?
PV: Ano pa bang gusto mong malaman?
B: Wala ka talagang kwentang kausap minsan noh?
PV: Leche! Edi wag mo akong kausapin!
B: Hahaha. Yan! Yan! Now I got your attention :)
PV: Bwisit! Ano bang gusto mo kasi?
B: Balita ko kayo na nung lalakeng dati mong ginawang kabit ha.
PV: Grabe ka naman, hindi ko siya kabit ha.
B: E ano mo siya nung kayo pa nung hilaw na singaporean mong chicks?
PV: Friends
B: Weh? E diba ayaw niya nga kayong maging kaibigan? Kung hindi mo siya kaibigan nung mga panahon mo na yun, at halos lagi kayong magkausap, at natutulog ka sa kwarto niya (at hindi lang basta tulog ha!) e anong tawag mo dun?
PV: Dami mong alam.
B: Aminin mo na kasi
PV: OO NA! Happy?
B: Naka-caps. Intense! Lol.
PV: ...
B: Kamusta naman kayo?
PV: Teka lang ha. Tatae muna ako.
B: Ok :) Hintayin kita.
PV: K
B: Balita ko may pinagseselosan ka ngayong babae ha. Kaibigan niya ba yun?
B: Kala mo naman kung sinong gwapo yang bago mong chicks.
B: Dapat nga, matakot siyang baka iwanan mo siya e.
B: Bakit nga ba?
PV: Ano ba yan. Tumae lang ako, dami mo na agad tanong.
B: E ano nga kasi?
PV: Oo, may pinagseselosan ako. Pero dati yun, unti unti ko nang nababawasan yung pagkaselos ko dun. Besides, alam naman niya na nagseselos ako, at alam ko namang kaibigan lang niya yun. Ginagawan naman niya ng paraan para mawala yung selos ko. Oo, dati niyang gusto yung si ategirl, pero sabi niya, mahal niya ako.
B: So meron pading onting pagseselos? E bakit ka nga nagseselos? Ano bang kinaseselosan mo dun sa babae? Mas maganda at sexy sayo noh?
PV: Excuse me! Mas maganda ako dun. Kung kasexyhan naman. Oo mataba ako, pero sexy na mataba! Siya walang boobs at pwet. Lamang ako.
B: Ay! Intense ang pagkaselos mo ateng! Hahahaha. BITCH PLEASE!
PV: NAGSASABI LANG AKO NG TOTOONG NARARAMDAMAN KO NOH!
B: Hahaha. K. O e anong dahilan nga kung bakit ka nagseselos? Mas matalino siguro sayo yung babae noh?
PV: Well, magaling siyang mag-english. Naguusap sila most of the time sa english. Magka-"wavelength" nga daw nga sila ika nga ni jowa.
B: Ahhh... kaya.
PV: Anong kaya?
B: Insecure ka.
PV: Ha? Hindi noh.
B: Insekyora kang palaka ka.
PV:Why do you say so?
B: Bah! Umeenglish na ngayon o. Haha. Gusto mong lumebel noh?
PV: Hindi naman.
B: Hindi mo ma-take na may ka-"wavelength" na ibang babae ang jowa mo.
PV: Uhm.. Oo?
B: So?
PV: Hindi kasi. Ganito yun. Lagi silang magkausap ni jowa. Yung tipong usap na parang ginagawa namin nung hindi pa kami? Na naeenjoy ko dahil nga sa masarap siyang kausap, and at the same time kelangan ko yung kausap na ganun kasi nga kelangan ko ng mapaglilibangan dahil nga ang lungkot ko lang nung mga panahon na yun.
B: At natatakot ka na baka magkadevelopan sila dahil lagi silang naguusap?
PV: Parang ganun. Kasi yung pag kaming dalawa, hindi na masyado. Masyado kasi akong naging busy sa trabaho, kaya nawalan ako ng time sa kanya.
B: Wala ka bang tiwala kay jowa mo?
PV: Meron. Sobrang tiwala ako sa kanya. Wala lang akong tiwala sa sarili ko.
B: May yosi ka jan? Ubos na yung akin e.
PV: O eto, black.
B: Tumataas na ang nicotine level mo ngayon ha. Hindi ka na same same teh. Malaki na nagbago sayo.
PV: Haha. Sa nicotine level na nababase ang pagbabago ng isang tao?
B: Yeah right!
PV: Pahiram ako ng lighter.
B: Ano ba yan. May yosi, walang lighter. O eto.
PV: Social smoker na lang ako ngayon. Hindi ako nagdadala ng lighter para iwas temptation, tsaka lang ako nagsmo-smoke pag naaya, given na may lighter dapat yung nag-aya sa akin, thus smocial.
B: Naks. Smocial. Iba ka na talaga. Haha.
PV: Hahaha. Ewan ko sayo.
B: Mabalik tayo.Nasabi mong wala kang tiwala sa sarili mo. Bakit?
PV: Alam mo na. May tendency akong gumanti.
B: Ahhh.. oo nga pala. Parang yung ginawa mo kay hilaw na singaporean ex mo.
PV: Oh diba? Hindi niya sa akin mabigay yung attention na kelangan ko, pwes hahanap ako sa iba.
B: Oh my...
PV: Pero wala pa naman ako dun sa sitwasyon na pinaplano ko yung maghiganti ng selos.
B: So? May chance nga na pag napuno ka jan sa selos na yan, e pagseselosin mo din siya?
PV: Baka.
B: Oh my...
PV: ...
B: E ano bang gusto mong gawin niya para mawala totally yang selos na yan?
PV: Errr.. Ayoko siyang pagbawalang kausapin yung babae. Pero yun yung gusto kong gawin niya talaga.
B: Ha? Ang gulo mo.
PV: Ok naman kasi sa akin si ategirl. Pero alam mo yun? The mere fact na nagkakainteres yung jowa ko sa kanya, na nakukuha ni ategirl atensyon ng jowa ko. Yun yung kinaseselos ko. Ang tanging solusyon para mawala yun e ang wag silang mag-usap totally. Lalake padin naman yung jowa ko. E kung magkagusto si ategirl dun. Teh! Daig ng mas matalino ang matalino lang na sexy at maganda.
B: Daig ng mas matalino ang matalino lang na sexy at maganda. Wow. Hahahaha. Insecure ka nga.
PV: Ganun? :(
B: Hahahaha. Hamo, lilipas din yan. Hindi mo kelangang pagbawalan ang jowa mo. :) Mahal ka nun. At mahal mo lang talaga siya kaya nate-threat ka kay ategirl
PV: Sana nga.
B: Tsaka duh! Ano ngayon kung magkagusto si ategirl kay jowa mo. Diba? Mahal ka naman ng mokong na yun? Isipin mo na lang yung pagpapahirap mo sa kanya na tiniis niya. Hindi ka na pakakawalan nun.
PV: Oo nga. Pero alam mo yun? Sobrang mahal ko na siya. Pag dumating yung panahon na magustuhan siya ni ategirl, at balewalain niya yung paghihirap na ginawa niya para makuha ako. Pakakawalan ko siya.
B: What? Hahahaha. Patay ka diha.
PV: Gets mo ba? Pag dumating talaga yung time na sabihin niyang may nagugustuhan siyang iba. Kung si ategirl man yun o hindi. Pakakawalan ko talaga siya.
B: Hahahaha. Ayaw mo nang maulit yung dati noh?
PV: Oo naman! Pucha lang talaga yung puso ko nun! Pinaglaban ko yung lalake. Tangina lang talaga.
B: Hahahaha. Memories.
PV: Fuck those memories.
B: O siya, naantok na ako. Magwoworkout pa ako ng umaga kinabukasan.
PV: So ganon ganon na lang? Pag nakuha mo na atensyon ko at nasa mood ako magkwento, lalayasan mo agad ako?
B: You know me. I'm a tease. Chos! Hahahaha.
PV: Neknek mo tease mo mukha mo!
B: Hahahaha. Matulog ka na. Galing ka pa duty e.
PV: Bwisit ka.
B: :p Pero alam mo. Dapat nga kasi ikaw yun e.
PV: Ha?
B: Yung kausap niya parati. Hindi si ategirl
PV: Exactly.
B: Matulog ka na
PV: Geh.Ganyan ka naman e.