Sabihin na lang natin ganito ang mga pangyayari.
Nakipagbreak sa akin yung ex ko na nasa Singapore dahil pareho kaming nahihirapan sa sitwasyon. Then the next day after the break up e biglang may isang staff nurse galing dun sa hospital na pinagtetrainingan ko ang umaligid bigla.
Oo. The. Next. Day.
Tipong kagabi, nakipagbreak sa akin, tapos kinabukasan ng umaga.. biglang may nagbigay sa akin ng kasoy.
Sweet diba? Kasoy.. oo sweet! Iba na panlasa ko kasi ngayon. Bitter e. Like you know.. kakabreak lang e.
Kidding aside. Walang halong bitterness yung nararamdaman ko kung yung ex ko yung paguusapan natin.
Isang buwan na din kasi ang nakalipas mula nangyari ang lahat.
Ang sa akin lang. Puta! Katatapos lang ng isa, may panibago nanamang sisira ng stabilization ng emosyon ko. Paslangin ko siya e.