Sunday, November 20, 2011

Pa-virgin

29 days to go :) magtatravel na ako :) yiheeee!

Ewan ko ba dun sa mga kaibigan kong nakakaalam na aalis ako ng Pinas para magkita kami ng chiks ko dun sa Singapore. Halos iisa lang ang iniisip nila. "Patay kang bata ka, este, buhay kang bata ka"

Ganun ba ako kamukhang hayoksaseks. Mga lecheng batang ire! Buwiseyt!!!

Kung may isang bagay na paguusapan tayo ngayon, siguro yung patungkol na sa sex ang isa sa mga topic na parang gusto na parang ayaw kong pagusapan. Madaming beses ko nang itinatanggi na hindi pa ako nakaranas ng luto ng diyos pero sa kalooblooban ko ayaw ko lang talagang aminin noong una na hindi na ako inosente sa mga ganoong bagay.

Masakit. Masarap. Gusto kong ulit ulitin.

Marami ang nagsasabi mukha daw akong inosente, at may mga nagsasabi din na mukha akong madaming alam. Ewan ko ba, palagi na lang pagdating sa mga bagay na ganun hindi ako kumportable na ishare sa ibang tao ang mga karanasan ko. For sure pag nabasa to ng nanay ko maluluha yun. Dahil sa paningin niya, ang kaisa-isa niyang anak e sobrang bait.-- Ma, sorry.. Ganun talaga ang life. Pero wag kang magalala, hindi kita gagawing lola agad. mga 5 years pa ang hihintayin mo bago ka magka-apo :) love you

Kasama kaya ang sex sa heirarchy of needs ni Maslow. Isa lang akong tao! Mukha lang akong Diyosa. 'Chos! Bahahahahaha!

Ayoko lang talaga makipagusap ng mga ganung bagay sa ibang tao, lalo na kung ang usapan e kulang na lang e ire-enacment mo ang mga ginagawa niyo sa sobrang detailed kung magtanong.

"brinocha ka na ba niya?"
"gaano kalaki?"
"finger?"
"spit or swallow?"

Hindi ako sumasagot ng mga ganyang tanong. Ayoko. Hindi dahil sa killjoy ako o ano. Wala namang masama kung aminin o ideny ang mga bagay bagay. Mas gusto ko lang talaga na hangga't maaari maging pribado ang mga bagay na ganyan sa relasyon naming dalawa.

Mas masarap gawin ang mga ito kasama ang taong talagang mahal mo at hindi lang dahil gusto mo lang maranasan ito. Wala kang dapat gawin para ihanda ang sarili mo, kusang dadating ang panahon na masasabi mong eto na, let's do it! dahil alam mo sa sarili mo na kaya mong panindigan ang mga ginagawa mo. At once na may mabuo. Kaboom! Nasa sa iyo na kung ano ang kaalaman mo sa pagintindi ng kaibahan ng tama sa mali. At maraming kuro kuro patungkol sa "what went wrong?" ang "who's the daddy?"