I've been there since I'm still 16, paputol-putol nga lang ang membership ko dun kasi nga wala akong perang pampamember, at hindi ako suportado ng mga magulang ko sa ganoong gastusin. Kung gusto ko daw magpapayat, umakyat baba na lang daw ako sa hagdan namin. Pero enebenemen! Nakakatamad, walang pang inspirasyon ng poging macho! At oo, aminado akong malanding hintod ako noon.
Nagkaroon ako ng maraming kaibigan doon, for the past years na member ako dun, super never ever akong nagkaroon ng kaaway dun, natutuwa pa akong maginvite ng mga friends ko na sumama sa akin na maggym doon. But unfortunately. A year ago, nagkamali ata ako sa paginvite ko sa isang kaibigan na sumama sa akin sa gym.
DUHHHH!!! magdadalwang taon na siya dun sa gym pero ang taba taba pa din niya.
Alam mo ate. Ang gym ay isang lugar para magpapayat hindi para maglandi lang, at isa pa.. wag ka namang magpaka-pokpok dun. Ikaw naman, hindi mo man lang napansin na pinagpapasa-pasahan ka lang ng mga lalake dun? Atsaka, naghanap ka pa ng mga kakampi mo, e mga nobody naman sila.
Ang gusto ko lang naman malaman, bakit niyo ako laging pinapansin? Uy! alam kong artistahin ako pero hindi talaga ako artista. Makapakutya naman kayo ng sinusuot ko, para naman kayong mga hater fans at ako si Marian Rivera. Kelangan talaga pansinin palagi? Kayo naman.. nakakatuwa naman kayo. Fans ko talaga kayo. Hi fans! Gusto niyo ng autograph?
Oo nga pala. Nagbo-block talaga ako sa facebook ng mga tao na wala akong pakeelam sa buhay nila. May pa-"as if we don't know" pa kayong sinasabi na nagunfriend ako ng isa sa inyo.. minsan hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan kayo o talagang super tanga lang. Natural lang naman na malaman niyong inunfriend ko kayo at blinock. Syempre, Fans ko nga kasi kayo, lagi niyong tinitignan profile ko.
Kaya pwede ba? Matagal ko nang pinatay ang wish ko noong 4 years old pa lang ako na gusto kong maging artista. Kayo naman, sana nakilala ko kayo noon pa lang. Edi sana natuwa pa ako sa ginagawa niyong paghanga sa akin :)